Davao del Sur niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Del Sur ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

 Ayon sa Phivolcs, dakong alas-10:06 ng umaga nang maitala ang magnitude 5.3 na lindol na natukoy sa layong 016 km timog kanluran ng lungsod ng Davao, Davao Del Sur.

May lalim itng 254 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity III sa Malungon, Sarangani; intensity II sa Don Marcelino, at Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Habang sa instrumental intensities naitala ang intensity II sa Don Marcelino, at Jose Abad Santos, Davao Occidental; Santo Nino, South Cotabato.

Intensity I naman sa Alabel, Malapatan, Sarangani; Tupi, General Santos City, South Cotabato; Kidapawan City, Cotabato.

Samantala, isang magnitude 4.3 na lindol din ang naitala sa Surigao del Norte kanilang madaling-araw.

Sa datos ng Phivolcs, dakong alas-4:03 ng madaling-araw nang tumama ang lindol sa layong 078 km hilagang silangan ng bayan ng Burgos, Surigao Del Norte at may lalim na 010 km at tectonic ang origin.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s