
NI NOEL ABUEL
Umaasa si Leyte 4th district Rep. Richard Gomez na sa lalong madaling panahon ay may mapipili na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na uupo bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni Gomez na kung walang mapipiling DA secretary ay kahit officer in charge (OIC) na lamang ang hirangin para may representasyon ang ahensya sa mga pagpupulong tulad ng pagdalo ng taunang pondo sa Kongreso.
“OIC lang muna, somebody to stand there, and do the work there. Ang OIC ang siyang magre-report directly kay Pangulong Marcos,” sabi ni Gomez sa panayam ng mga mamamahayag sa selebrasyon ng ika-75 taong pagkakatatag ng Ormoc City.
Samantala, batid aniya nito na mahirap para kay Pangulong Marcos ang ginagawa nitong isaayos ang DA habang abala sa ginagawa sa Malacanang.
“Ang feeling ko kasi, the reason na ginawa ni Presidente ‘yun, nakita niya meron sigurong problema sa DA,” ayon sa kongresista.
Sinabi pa ni Gomez na nananawagan ito kay Marcos na sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ay may mapipili na itong uupong kalihim ng DA.
“Sa DA ang dami n’yang sub-agency na everyday dapat tinututukan. So I’m hoping in the next two to three weeks merong siyang makitang next secretary. Mahirap talaga, as much as gawin ang trabaho ni Presidente mahihirapan talaga siya. Hindi niya kakayanin. It’s so difficult, maraming decision making na kailangang gawin sa DA na kailangan nanduon talaga ang secretary. On a regular basis,” paliwanag pa nito.
Kung tatanungin aniya ito kung sino ang maaaring maging kalihim ng DA ay dapat umanong naiintindihan ang mga programa ng gobyerno at nauunawaan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ang Ormoc City ay may malawak na agricultural lang na tinataniman ng iba’t ibang gulay at prutas kabilang ang pinya na ipinagmamamaking sorbrang tamis.
