
Ni NOEL ABUEL
Kinilala bilang isa sa mga pinaka-produktibong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera sa unang ilang buwan ng 19th Congress.
“Being named as one of the most productive members of the 19th Congress is a tremendous honor, for which I feel very grateful,” sabi ni Herrera.
“I believe in the work I have done and continue to do for the constituents of BH Party-list and for our nation. I am committed to championing women and children’s rights, consumer protection, efficient internet and economic recovery,” masayang pahayag pa nito.
Si Herrera ay nasa ikasiyam sa listahan ng pinakaproduktibong kinatawan ng party list sa mga iniakdang mga panukalang batas at resolusyon mula Hunyo 30 hanggang Oktubre 14 sa 19th Congress.
Sa datos na nakalap mula sa Kamara, si Herrera ay naghain ng kabuuang 73 panukalang batas at resolusyon kabilang ang pagbabawal sa mga single-use na plastic, pagkilala sa civil partnership ng mga mag-asawa anuman ang kasarian, pagtatatag ng curfew sa buong bansa para sa mga menor de edad, paglikha ng mga bagong ahensya ng gobyerno na magtitiyak ng napapanatiling paggamit at pamamahala ng yamang tubig ng bansa, bukod sa iba pa.
Masigasig din na ikinampanya ni Herrera ang pagpapanumbalik ng cancer fund sa pambansang badyet, na naging dahilan upang tiyakin ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagkakaroon ng P500 milyong halaga ng tulong pinansyal sa mga pasyente ng cancer para sa natitirang bahagi ng 2022.
Itinutulak din ng party-list solon ang isang congressional inquiry para bigyang-katuwiran ang Bangko Sentral ng Pilipinas, National Economic and Development Authority, at Philippine Statistics Authority para sa inilarawan niyang “inefficient, delayed and faulty” rollout ng national ID system.
“Our constituents expect us to get things done for them—and that’s always been my focus. I’m honored and grateful to be recognized as one of the most productive House members and for pushing legislation and policies on issues impacting Filipinos,” ani Herrera.
Bago naging Deputy Minority Leader, si Herrera ay nagsilbing Deputy Speaker, chairman ng House Committee on Women and Gender Equality, at vice chair ng House Committee on Welfare of Children noong 18th Congress.