Road project sa Capiz malapit nang matapos– DPWH

Ni NERIO AGUAS

Malapit nang maranasan ng mga motorista ang maayos na biyahe kasunod ng mga road upgrade na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lalawigan ng Capiz.

Kasalukuyang isinasagawa sa Roxas City ang pagsesemento ng 6.7 kilometrong Dayao-Libas-Culasi road, na tumatawid sa Barangay IV, Barangay Libas, at Barangay Culasi.

Ang proyekto ay magpapahusay sa paghahatid ng mga produkto at serbisyo, mababawasan ang gastos sa transportasyon, at palalakasin ang industriya ng turismo ng lalawigan dahil ito ay nagsisilbing alternatibong ruta para sa mga manlalakbay mula sa ikalawang distrito ng Capiz hanggang Culasi Seaport.

Inaasahang matatapos sa susunod na taon ang proyektong may pondong P56.2 milyon.

Samantala, natapos na ng DPWH Capiz 1st District Engineering Office ang pagpapalawak ng 2.3 kilometrong bahagi sa kahabaan ng Cuartero-Tapulang-Maayon Junction Road sa Barangay Pina at Salgan, Maayon.

Ang pagpapalawak ng kalsada ay nakikitang makatutulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa lugar at matiyak ang kaligtasan ng mga motoristang dumadaan sa pambansang kalsada, na pangunahing ruta patungo sa Capiz.

Ang P49 milyong road widening project ay binubuo ng stone masonry, metal guardrails, drainage works, at thermoplastic pavement markings, na pinondohan sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA).

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s