
NI NERIO AGUAS
Nakahanda na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa darating na Undas para umalalay sa mga motoristang inaasahang magtutungo sa mga probinsya.
Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, pinakikilos nito ang lahat ng regional at district engineering offices na magpakalat ng mga tauhan na tutulong sa mga motorista na inaasahang dadagsa ngayong darating na Sabado at Linggo para sa pagdiriwang ng All Saints’ Day.
Sinabi ni Bonoan na ang motorist assistance program ng DPWH na “Lakbay Alalay” ay ipapatupad sa buong bansa simula alas-7:00 ng umaga sa araw ng Biyernes, Oktubre 28, 2022 hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Miyerkules, Nobyembre 2, 2022.
Ang “Lakbay Alalay” Teams ay binubuo ng mga uniformed field at crew personnel na may nakahandang maintenance equipment at nakasuot ng navy blue-colored tents sa ilang istasyon.
“Our teams will be working on a round-the-clock shift to provide emergency assistance to travelers and ensure major thoroughfares are well-maintained, and free from obstruction and potholes,” ani Bonoan.
Idinagdag pa ng kalihim na inatasan na nito ang mga implementing offices na may isinasagawang proyekto na siguruhin na may nakalagay na maayos na safety signages at traffic advisories ng mgaa contractors, upang maiwasan ang magsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan at ruta patungo sa mga sementeryo.
Gayundin, nakikipag-ugnayan ang DPWH is sa iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs) para magbigay ng tulong sa mga motorista.