
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-9:20 ng gabi nang maramdaman ang magnitude 5.2 na lindol na nakita ang sentro sa layong 037 km hilagang silangan ng bayan ng Lingig, Surigao Del Sur na may lalim na 064 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity V sa Lingig, at Bislig City, Surigao del Sur habang intensity IV sa Lianga, at Hinatuan at intensity III naman sa Monkayo, Nabunturan, New Bataan, Laak, Compostella Valley, at Montevista, Davao de Oro.
Samantala, intensity II naman sa Maco, Mawab, at Pantukan, Davao de Oro at intenisty I sa Cagwait, Surigai del Sur; Bayugan, Agusan del Sur.
Sa instrumental intensities, naitala ang intensity III sa Nabunturan, Davao de Oro; Bislig City, Surigao del Sur; intensity II sa Santo Niño, South Cotabato; intensity I sa Tandag City, Surigao del Sur.
Sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw kung kaya’t pinag-iingat ang mga residente.