Panawagan ng business groups vs POGO pakinggan — Rep. Abante

Ni NOEL ABUEL

Hinikayat ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr. ang mga kapwa mambabatas at Executive Department na pakinggan ang dumaraming panawagan ng business sectors, economic managers, at mga mamamayan na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil sa masamang epekto ng kanilang operasyon sa bansa.

Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos ang pagpupulong ng Foundation for Economic Freedom, Makati Business Club, at ng Management Association of the Philippines na naglabas ng magkasanib na pahayag na nagsasabing lubos nitong sinusuportahan ang Department of Finance na i-phase out ang lahat ng operasyon ng POGO.

Binigyang-diin ng tatlong institusyon na ang kabuuang pagbabawal sa mga POGO ay magreresulta lamang sa pansamantalang paghihirap sa ekonomiya, bilang kabaligtaran sa socio-economic consequences.

Ayon kay Abante, ang mga pampublikong pagdinig sa isyu ng POGO sa Kamara at Senado ay maliwanag na nagbukas ng mga mata ng business leaders sa pros and cons ng POGO industry.

“This joint statement makes it clear that Big Business believes the downsides of the POGO industry make it a liability––not an asset––in our country’s efforts to attract investments, to boost confidence in the Philippine banking system, and to foster Philippine-China economic relations,” ayon pa sa mambabatas.

Sabi pa ni Abante, na kilalang anti-gambling advocate, at may-akda ng House Bill No. 5082, o ang Anti-POGO Act of 2022 ay naglalayong i-ban at ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa.

“To argue that we need the revenues generated from POGOs (and PAGCOR for that matter) is to admit the helplessness of the national leadership and surrender in bended knees to the rule of the unarmed enemy of society called gambling,” ayon pa sa kongresista.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s