
Ni NERIO AGUAS
Nananatiling full force ang Bureau of Immigration (BI) para sa pagdagsa ng mga pasaherong bumibiyahe papasok at palabas ng bansa sa mga daungan ng bansa sa long weekend sa paggunita sa All Souls’ Day.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nananatili sa heightened alert ang kanilang mga frontline personnel at tiniyak na mayroon silang sapat na tauhan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga bumibiyahe sa kabila ng pananalasa ng bagyong Paeng.
“Our officers remain in full force to avoid service interruptions during this long Undas weekend. This is so our border security is not compromised amid passenger influx,” sabi ni Tansingco.
Ayon sa opisyal, may mga karagdagang tauhan na itinalaga sa mga paliparan, at isang rapid response team ang nakalagay upang matiyak na ang lahat ng mga counter sa mga daungan ay nababantayan.
Ang mga pasahero ay naapektuhan ng bagyong Paeng, na nagresulta sa pagkakansela ng ilang domestic at international flights.
“Despite the adverse weather, our immigration officers remain on duty to serve the traveling public,” said Tansingco. “Many of them brave strong rains and flood just to be able to report for duty and perform our mandate,” ayon kay Tansingco.
Kinilala ni Tansingco ang serbisyo ng mga frontline personnel ng BI na nagbibigay pa rin ng serbisyo tuwing weekend at holidays.
“We remain true to our duty as public servants and will ensure that we continue providing quality service,” sabi pa ni Tansingco.