Senador Revilla namahagi ng tulong sa Cavite

Hindi nag-aksaya ng panahon si Senador Ramon Bong Revilla Jr. at agad na sumaklolo sa mga biktima ng bagyong Paeng sa Amaya, Tanza, Cavite kung saan personal nitong ipinamahagi ang napakaraming family food packs at relief packs.
“Huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil kaisa ninyo ang inyong lingkod sa mga pagsubok na pinagdaraanan ng bawat isa, tandaan natin na hindi ibibigay sa atin ang pagsubok kung hindi natin kaya” pahayag ni Revilla nang bigyan siya ng pagkakataong magsalita.
Daan-daang pamilya ang sumalubong kay Revilla sa pagtungo niya sa evacuation site kung saan doon pansamantalang naninirahan ang mga nasalanta ng nagdaang bagyo.

Ni NOEL ABUEL

Namahagi ng tulong si Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng severe tropical storm Paeng sa Cavite City.

Ginawa ng senador ang pagtulong matapos simikat ang araw ay personal na sinaklolohan nito kasama ang kaniyang mga staff na namahagi ng family food packs at relief packs sa ilang bayan sa Cavite.

Nabatid na habang bumabayo ng ulan at hangin dala ng bagyong Paeng noong Sabado ay abala na si Revilla at ang kaniyang mga tauhan sa paghahanda ng libu-libong family packs at relief packs na ipinamahagi pagtila ng bagyo.

Kahapon maaga pa lamang ay agad namahagi ng tulong sa mga taga-Kawit, Cavite at napakarami ng mga sinalanta ang nag-aabang sa kanilang municipal hall at lahat ay personal na binigyan ni Revilla ng family food packs at relief packs.

Ganap na alas-12:00 ng tanghali ay nagtungo naman ang grupo ni Revilla sa Noveleta, Cavite upang abutan ng tulong ang napakaraming pamilyang nasa covered court na nagsilbing evacuation center.

Alas-2:30 ng hapon ay nagtungo naman ang Revilla Team sa Tanza, kasunod ay sa Bacoor City kung saan doon na sila inabot ng dilim sa pamamahagi ng family food packs at relief packs sa mga grabeng nasalanta ng bagyo.

“Sa mga kababayan ko, karamay n’yo ako sa inyong pinagdaraanan at asahan ninyong isa sa mga araw na ito ay sisikapin kong makarating sa iba pang mga nasalantang lugar na sana lahat ay personal kong mapuntahan, sadyang inuna ko lamang ang ilang bayan sa Cavite kahit masama pa rin ang panahon at may banta pa ng bagyo dahil malapit lamang” saad ni Revilla.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s