Tulong ipinanawagan ng kongresista

Rep. Mujib Hataman

Ni NOEL ABUEL

Umapela ng tulong ang isang kongresista sa mga pribadong sektor at sa mga ahensya ng pamahalaan na magpadala ng tulong sa mga naging biktima ng severe tropical storm Paeng.

“Nananawagan tayo sa kinauukulang ahensya ng gobyerno, maging sa pribadong sektor, na magpadala ng agarang tulong para sa mga biktima ng bagyo, lalung-lalo na sa lugar ng BARMM kung saan mataas ang bilang ng mga nasawi,” apela ni Basilan Rep. Mujib Harman.

Nagpahatid ito ng pakikiramay at nakikidalamhati sa mga pamilya at kaanak ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng, kasama ang napakaraming mag-anak na nasalanta ng kalamidad na ito.

“Hiling din natin sa national government na hangga’t maaari ay i-augment ang kapasidad ng LGUs at tumulong sa search and rescue operations para sa mga nananatiling unaccounted pa at nawawala nating kababayan,” sabi nito.

“Pagkatapos ng ating pakikiramay at pagtulong sa mga biktima ng bagyo, hinihikayat ko ang lahat na pag-aralang mabuti kung bakit nangyari ang mga naganap nitong nakaraan, hindi upang magbunton ng sisi kundi maghanap ng mga paraan kung paano natin ito maiiwasan sa mga susunod na kalamidad,” dagdag pa ng mambabatas.

Nagpasalamat din si Hataman sa mga rescue workers na itinataya ang sarili nilang buhay sa pagliligtas ng mga nasalanta.

“Nais nating ipahayag ang ating pagsaludo sa ating mga rescue workers na itinataya ang sarili nilang buhay sa pagliligtas ng mga nasalanta nating kababayan. Sa ganitong mga pagkakataon, nakikita natin ang kanilang katapangan at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin,” ayon pa kay Hataman.

Sinabi nitong dapat na magsama-sama ang lahat para tumulong para sa mga nasalanta.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s