64 na road sections at tulay hindi pa rin madaanan– DPWH

Ni NERIO AGUAS

Aabot sa 64 na road sections ang nananatiling sarado at hindi pa rin madaanan ng mga motorista dahil sa epekto ng severe tropical storm Paeng.

Ayon sa datos ng Department of Public Works and Highway (DPWH), sa pinakahuling situational report sa mga national roads at tulay, ngayong Oktubre 30, 2022 ganap na alas-12:00 ng tanghali, marami pa rin ang hindi madaanan.

Kabilang dito ang 14 sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at tatlo naman sa National Capital Region (NCR).

Gayundin, anim na kalsada sa Region II, 1 sa Region III, siyam sa Region IV-A, dalawa sa Region IV-B, 18 sa Region VI, apat sa Region VIII, Isa sa Region IX, tatlo sa Region XII, at tatlo sa BARMM dahil din sa pagguho ng lupa, road cut, road slip, mud flow, high water elevation/flooding, fallen trees, road depression, nasirang bridge pier at bridge approach, at gumuhong tulay.

Maliban dito, 27 na road sections ang limitadong daanan kabilang ang limited dalawang sa NCR, Isa Region II, tatlo sa Region Ill, 9 Region IV-A, anim sa Region VI, tatlo sa Region VIII, at tatlo sa BARMM dahil sa pagbaha, landslide, soil collapse, pagragasa ng bato, flashflood, at scoured bridge approach.

Ang lahat ng iba pang national roads at tulay sa ibang mga apektadong rehiyon ay madadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s