Ormoc City ginawaran ng parangal ng DILG

Ormoc City Mayor Lucy Torrez-Gomez

Ni NOEL ABUEL

Ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ang lungsod ng Ormoc ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa mahusay sa mabuting pamamahala ng natatanging lokal na pamahalaan.

Ayon kay Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez malaki ang pasasalamat nito sa kanyang mister na si Leyte Rep. Richard Gomez na nanguna sa pagpapaunlad ng lungsod noong alkalde pa ito.

“This recognition is the icing in our city’s cake. It is the fruit of all of our hard work. I salute all our diligent and trustworthy public servants, who endure the scorching sun and brave torrential rains to deliver excellent social services to our people. I would also like to thank our congressman, Rep. Richard Gomez, for planting the seeds of good governance because it was his work that are being recognized today. Congratulations Ormoc City!” paliwanag pa ni Lucy Torres-Gomez.

Maliban sa Ormoc, kasama rin ang dalawa pang lungsod at 12 pang bayan sa Eastern Visayas ay ginawaran ngayon ng (SGLG).

“With this award, the local government of Ormoc commits to continue to deliver the best services to all Ormocanons. We will continue to make the city of Ormoc proud and make it not only productive but one of the best cities in the country,” sabi pa ng alkalde.

Nabatid na ang SGLG award ay iginagawad sa mga LGUs na nagpapakita ng magandang financial housekeeping, disaster preparedness, social protection para sa pangunahing sektor; business friendliness and competitiveness, pamamahala sa kapaligiran, at batas at kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Ang nasabing parangal ay naging makasaysayan kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 taong Charter Day ng Ormoc City.

Kabilang din sa selebrasyon ngayong taon ay ang pagkilala ng Ormoc City bilang “Grand Champion of the Sports and Adventure Tourism Event” sa 23rd Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) National Convention na ginanap sa Taal Vista Hotel sa Batangas noong Oktubre 27.

Nasungkit ng lungsod ang korona para sa pagho-host ng 2019 Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) sa pakikipagtulungan ng Ormoc Division ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng “Support to Athletes in Pursuit of Accomplishing Total Life-Changing Opportunities in Sports” (SAPATOS) sports development program.

Ang nasabing programa ay adbokasiya ni Rep. Gomez noong alkalde pa ito ng Ormoc kung saan ipinagpapatuloy ito ng lokal na pamahalaan.

“Patuloy nating susuportahan at aalalayan ang ating mga atleta. Malinaw sa ating lahat ang kabutihang idinudulot ng sports development sa ating mga kabataan upang sila ay magkaroon hindi lamang ng malusog at malakas na pangangatawan kundi disiplina sa sarili na rin,” ani Gomez.

Nangako rin ang kongresista na itutuloy ang pag-apruba sa sports development na inihain nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Pangungunahan po natin ang mga diskusyon sa Mababang Kapulungan upang mapabilis ang pagpasa ng ating mga panukalang batas na naglalayong lalong palakasin ang mga programa para sa mga atleta sa ating bansa. Itutulak natin ang dagdag na serbisyo at mga programa para sa larangan ng sports nang higit na matulungan ang ating mga manlalaro,” sabi pa ni Gomez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s