Ekonomiya ng Ormoc City aangat sa pagbubukas ng Ormoc Airport   

Rep. Richard Gomez

Ni NOEL ABUEL

Mas lalo pang uunlad at aangat ang ekonomiya ng Ormoc City at ang buong Visayas region sa sandaling mabuksan ang Ormoc Airport sa lahat ng airline company.

Ito ang sinabi ni Leyte Rep. Richard Gomez kung saan ang nalalapit na paglalagay ng direct flight ng Manila-Ormoc, Ormoc to Manila flight.

Ayon pa kay Gomez, noong 2019 o bago pa tumama ang COVID-19 pandemic sa buong bansa ay naisaayos na ang plano para sa pagbubukas ng Ormoc City Airport katuwang ang Philippine Airlines subalit pansamantalang naisantabi ito.

Kasabay nito, nanawagan ang kongresista sa Civil Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) na payagan na ring mag-operate ang iba pang airline company upang mas maraming turista ang dumating sa Eastern Visayas partikular sa Ormoc City na maraming magagandang tanawin at tourist spots tulad ng Lake Danao, Tongonan Hot Springs National Park, at Alto Peak, na pinakamataasn na bundok sa Eastern Visayas.

Umaasa ang mambabatas na ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang bansa matapos ang mahigit sa dalawang taong pandemya ay maaari nang maipagpapatuloy ang usapan para sa Ormoc City airport.

Sinabi ni Gomez na positibo ang naging tugon ni Transport Secretary Jaime Bautista na magbukas ng take off at landing slot sa Ormoc Airport, aniya, sa suporta na binibigay ng DoTr para sa nasabing proyekto ay tiyak na agad na itong maisasakatuparan.

Noong 2019 nang magpahayag ang DOTr na i-develop ang 2,042m x 36m runway na Ormoc airport matapos na masira ito dulot ng super typhoon Yolanda noong 2013 at malakas na paglindol noong 2017.

“Secretary Bautista is committed to help us. The airport has been here already.We are all system go but the pandemic hits us in February 2020. We’re hoping that two more airlines will take a look at Ormoc City,” paliwanag ni Gomez.

Sa kasalukuyan, ang Daniel Z. Romualdez Airport o Tacloban City Airport at Hilongos Airport ang tanging paliparan na nagsisilbi sa bahagi ng Leyte, dalawang oras pa ang layo nito mula sa Ormoc.

Giit ni Gomez na hindi lamang ang Ormoc City ang makikinabang sa direct flight kundi mga karatig probinsya gaya ng Eastern, Western at Southern Leyte kasama na ang Biliran province.

“We will present to airlines our financial viability showing that they can have business here,” pagtitiyak pa niya.

Noong magtungo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang buwan kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 Charter day ng Ormoc City sinabi ng Pangulo na ang pagbubukas ng Ormoc Airport sa commercial flights ay tiyak na magbubukas ng mas maraming development sa buong Eastern Visayas region.

Ininspeksyon nito ang nasabing paliparan nang magtungo ito sa Ormoc City at  pinuri ni Marcos ang malaking ambag ng siyudad sa food security at paglaban sa climate change.

Ang Ormoc Airport ay kasalukuyang pinagaganda pa at pinaluluwag ang landing area at taxiway na piinaglaanan ng P329 milyon pondo ang proyekto at matatapos sa Marso 2023.

“The expansion is expected to be completed early next year and this enable the airport to accept bigger commercial aircraft,” pagtatapos pa ni Gomez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s