Nobyembre pinadedeklarang “Buy Pinoy month” ni Rep. Villar

Rep. Camille Villar

Ni NOEL ABUEL

Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang ideklara ang buwan ng Nobyembre bilang Buy Pinoy, Build Pinoy month upang hikayatin ang publiko na suportahan ang mga Pilipinong negosyante at tulungan itong makabangon sa gitna ng pandemya.

Sa House Bill no. 5682 na inihain ni Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar kinikilala nito ang kontribusyon ng mga homegrown enterprise sa domestic economy, job generation at national development, lalo na ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na gumagamit ng higit sa 90% ng workforce at dinadala ang bigat ng pandemya.

“As we transition to the economic recovery and revival, stronger support for local enterprises is crucial now more than ever. Assistance and support in the form
of marketing, information, and capacity-building campaigns which can be drivers of sales and advertisement will be substantial to boost local businesses,” sabi ng kongresista.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) ang magiging pangunahing ahensya na pagsasagawa ng mga aktibidad para sa Buy Pinoy Month na kinabibilangan ng malawak na mga trade fair, bazaar, marketing mission, at iba pang katulad na mga kaganapan na nagtatampok ng talino ng mga Pilipino.

Gayundin, isang pambansang trade fair ang dapat idaos nang sabay-sabay sa Luzon, Visayas at Mindanao nang hindi bababa sa dalawang linggo sa Nobyembre.

Ang Philippine Information Agency (PIA) naman ang magsasagawa ng nationwide information at advocacy campaign para sa Buy Pinoy, Build Pinoy Month activities.

“To declare November of each year as the ‘Buy Pinoy, Build Pinoy Month’ provides a huge marketing platform for a national audience, informs buyers of the positive implications of the celebration, and capacitates entrepreneurs to further improve their businesses. In addition, celebrating it during the month of November enables a strategic timing where consumers wil have the chance to support local brands during the holiday season and still maintain a balance of choices in the free market while entrepreneurs gain marketing and sales from prospect consumers,” paliwanag pa ni Villar.

“Declaring Buy Pinoy Month will have substantial benefits for domestic firms “not only during the month of November but other positive spillovers such as marketing and other skills can be experienced for
the entire year,” dagdag nito.

Ang okasyon aniya ay magsisilbing tulay para sa mga lokal na negosyo at mga mamimili upang i-maximize ang kanilang umiiral na halaga at interes at upang ipaalam ito sa isang mas malawak na pananaw.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s