Sen. Go sa mag-aaral: Magpabakuna na sa FTF classes

Ni NOEL ABUEL

Hinikayat ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga mag-aaral at opisyal ng paaralan na manatiling mapagbantay at sumunod sa mga kinakailangang health protocol sa gitna ng kamakailang anunsyo ng Department of Education (DeEd) na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa loob ng mga silid-aralan.

“As I have been saying many times before, while I welcome science-based policies and measures that will help us renormalize our lives again, such as the voluntary wearing of masks indoors and outdoors, we should still not be complacent as the threat of an unseen and evolving enemy remains,” sabi ni Go.

“Kung hindi naman sagabal o mahirap, hinihikayat ko ang lahat lalo na ang kabataan na magsuot pa rin ng masks. Ito ay bilang proteksyon hindi lang sa ating mga sarili kundi maging sa mga kapamilya nating mahihina ang resistensya, mga matatanda, sakitin at hindi pa bakunado. Huwag lang muna tayong magkumpyansa,” dagdag pa ni Go, chair ng Senate Committee on Health and Demography.

Noong Oktubre 28, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Executive Order No. 7 na nagbibigay-daan sa opsyonal na paggamit ng face mask sa indoor at outdoor settings, na binabanggit na ito ay isang positibong hakbang patungo sa normalisasyon.

Gayunpaman, ang paggamit ng face mask ay dapat pa ring ipatupad sa healthcare facilities, medical transport vehicles, at sa pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng lupa, hangin o dagat.

Samantala, muling binuhay ni Go ang kanyang panawagan sa mga magulang na tiyakin na makakakuha ang mga anak nito ng kumpletong doses ng bakuna sa COVID-19 at mga booster shots na susi sa pagbabalik sa normal ng bansa.

“Dagdag pa dito, patuloy ang aking apela sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na, lalo na ang booster, dahil ito lang ang susi natin para tuluyang malampasan ang pandemya,” ani Go.

“Masyadong mababa pa ang booster rate natin, isa sa mga pinakamababa sa buong Southeast Asian region. As of November 1 — we have only vaccinated around 48% of children aged 5-11. First booster dose uptake remains low nationally among all age groups at around 26% of the target population,” dagdag pa nito.

Ipinahayag din ni Go ang kanyang optimismo na ang pagbubukas ng mga pisikal na klase ay isa sa maraming mga indikasyon ng bansa na mahusay na nakakamit ng pandemic recovery.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s