
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Tarlac kahapon ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos ng Phivolcs, dakong alas-10:30 ng gabi nang maitala ang magnitude 5.2 sa Richer scale na tumama sa layong 007 kms ng lungsod ng Tarlac.
May lalim itong 184 kms at tectonic ang origin kung saan wala namang naitalang epekto sa mga gusali at iba pang establisimiyento.
Naitala ang intensity I sa buong Laoag City, Ilocos Norte habang sa instrumental intensities ay naitala ang intensity III sa Infanta, Pangasinan; intensity I sa Bani, Pangasinan at Iba, Zambales.
Nagbabala naman ang Phivolcs na maaaring makapagtala ng aftershocks sa mga susunod na araw.
Samantala, ngayong araw ay nakapagtala rin ng lindol sa lalawigan ng Davao del Sur.
Dakong alas-4:40 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.4 na lindol sa layong 005 km timog-kanluran ng Magsaysay, Davao Del Sur at may lalim na 024 at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity II sa Makilala at M’lang, sa Cotabato; intensity I sa Magsaysay, Hagonoy, at Davao City, Davao del Sur.
Samantala sa instrumental intensities ay naramdaman ang intensity III sa Tantangan at Koronadal City, South Cotabato; iIntensity II sa Tupi, South Cotabato; Davao City at intensity I sa Tampakan, South Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat.
