
Ni NOEL ABUEL
Buong puwersa sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Speaker Martin G. Romualdez kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan para kumbinsihin ang mga negosyante ng Cambodia na mamuhunan sa Pilipinas.
Sinabi ni Romualdez na masaya itong maging kinatawan ng Kongreso na nakasama si Pangulong Marcos sa pakikipagdayalogo sa mga opisyales ng nasabing bansa.
“It is an honor to represent the entire House of Representatives in the meeting of President Bongbong Marcos with Cambodian business leaders,” ani Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na sinusuportahan ng Kamara ang mga programa ng administrasyong Marcos upang makaakit ng mas maraming dayuhang direktang pamumuhunan sa bansa upang muling buhayin ang ekonomiya at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
“We would study needed refinements in our laws, regulations, and government policies so as to further attract foreign investments and create more jobs for Filipinos,” ani Romualdez.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos sa mga negosyante ng Cambodia na bilang ebidensiya ng pinakabagong mga numero ng ekonomiya, ang kanyang administrasyon ay lumilitaw na itinuro ang ekonomiya ng Pilipinas sa tamang direksyon, sa gitna ng mga hamon na dulot ng mga panlabas na pwersa.
“It looks like the route that we have taken is taking the economy in the right direction,” sabi ng Pangulo sa roundtable meeting kasam ang Cambodians officials.
Iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA), na tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas ng 7.6 porsiyento sa ikatlong bahagi ng 2022, na mas mabilis sa 7.5 percent expansion sa ikalawang bahagi ng 2022 at ang 7.0 percent growth rate noong ikatlong bahagi ng 2021.
Sa isang ulat kay Pangulong Marcos, sinabi ng NEDA na ang bansa ay nananatiling nasa landas sa pagkamit ng target ng gobyerno na paglago na 6.5 hanggang 7.5 porsiyento para sa 2022.
Ayon kay Romualdez, ang mga pinuno ng negosyo ng Cambodian ay interesado sa Pilipinas na naging isa sa mga paboritong destinasyon ng mga dayuhang mamumuhunan dahil sa magandang klima para sa pamumuhunan sa Pilipinas.