Sen. Revilla ininspeksyon ang nasirang infrastructure projects sa Maguindanao

Ni NOEL ABUEL

ISA-isang binisita ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mga nawasak na inprastraktura kabilang na ang napakaraming bahay na halos madurog ang buong lugar na tinawag na Ground Zero sa Barangay Kushong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Mula pagdating ni Revilla ay sinamahan na siya sa pag-iikot nina Mayor Lester Sinsuat, dating Gobernador Teng Mangudadatu at Governor Bai Ainee Sinsuat hanggang sa mamahagi na sila ng Family Food Packs, relief packs at cash sa libu-libong residente sa nabanggit na barangay.

Nagtungo rin si Revilla sa Barangay Dinaig Proper ng bayan ding nabanggit kung saan ay muling namahagi ng Family Food Packs at cash sa mga residenteng tuwa-tuwa sa pagdating ng butihing Senador.

“Sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko na nakararanas na ng depresyon dahil sa kalunus-lunos na sinapit dulot ng bagyo ay palagi kong sinasabi na huwag mawawalan ng pag-asa dahil hindi ibibigay ng Panginoon ang pagsubok kung hindi natin ito kaya,” sabi ni Revilla.

Sa huli sinabi ni Revilla na hinding-hindi umano nito pababayaan ang Maguindanao kahit kailan dahil hindi rin umano siya nito pinababayaan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s