
Ni NOEL ABUEL
Binatikos ni Leyte Rep. Richard Gomez ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) dahil sa kawalan ng transparency at accountability sa decommissioning ng mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants.
Sa pahayag ni Gomez, sa House briefing noong Lunes hinggil sa estado ng prosesong pangkapayapaan at sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sinabi nito na dapat ay mas naging eagle-eyed ang OPAPRU sa pagtiyak na hindi inilalagay ang gobyerno sa isang disadvantage sa pagpapatupad ng normalization track ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MILF.
“There should be accountability in the disbursement of government funds. The government cannot just allocate and release funds without being fully informed of who are the recipients of government support, without knowing who have availed of the decommissioning program. It is our duty as lawmakers and public leaders to scrutinize how public funds are spent and if such expenditures are advantageous to the government,” paliwanag pa ni Gomez.
Kinastigo ng kongresista ang OPAPRU matapos nitong aminin na wala itong listahan ng mga armadong grupo na isinuko ang kanilang mga armas at bumalik sa kulungan ng gobyerno.
Ang OPAPRU, sa briefing, ay nagsabi sa mga mambabatas na wala itong kopya ng listahan ng mga decommissioned combatant, na sinabing inihanda at sinuri ng Independent Decommissioning Body (IDB) na nilikha ng gobyerno at ng MILF para pangasiwaan ang proseso.
Ang IDB ay isang mahalagang bahagi ng istruktura ng normalisasyon alinsunod sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Sinabi ng IDB sa mga mambabatas na 24,844 sa 40,000 target na MILF combatants ang na-decommission na sa ngayon, kung saan 4,625 na baril ang ibinigay sa gobyerno.
“It’s surprising that even the basic process of having a general list of the decommissioned combatant is missing. The government is already spending hundreds of millions of pesos to improve the lives of the combatants, but we do not even know who they are. It’s been years and we have been spending so much money without identifying who these people are. There’s a list but foreigners are holding the list… What is this?! It gives me the suspicion that they are funding something,” giit ni Gomez.
Kinuwestiyon din ni Gomez ang kawalan ng mahigpit na mekanismo sa pagsubaybay upang matiyak na ang mga sumuko ay hindi umaabuso sa mabuting kalooban ng gobyerno.
“What is our way of monitoring these people? Paano natin masisiguro na hindi sila babalik sa kampo nila, lalabanan uli ang gobyerno pagkatapos makuha ang benepisyo?” pag-uusisa pa nito.