Pagpapalakas ng maritime training suportado ng kongresista

Rep. Sam Verzosa

Ni NOEL ABUEL

Dapat na makipag-negotiate ang Pilipinas sa European Union (EU) at European Maritime Safety Agency (EMSA) para humingi ng palugit at maisaayos ang training period ng mga Pinoy seafarers.

Ito ang sinabi ni Tutok to Win party list Rep. Sam Verzosa bilang tugon sa banta ng EU na i-ban ang mga Filipino seafarers o seaman dahil hindi pasok sa international training standards ang mga maritime schools at institutions ng bansa.

Ayon sa kongresista, suportado nito ang gobyerno upang palakasin at gawin pang mas competitive ang maritime training sa bansa.

“Napakaraming pamilyang Pilipino na ang binubuhay ng humigit 229,000 na mga marino o seaman na bumubuo sa 25% ng lahat ng sea-based workers sa buong mundo. Nagpapadala sila ng pera sa pamilya nila kahit saan mang laot at dagat sila dalhin ng barkong sinasakyan nila,” ayon kay Verzosa.

“Pero hindi naman nagsimula ang isyung ito kahapon lang. Importanteng maintindihan natin na kailangan ng pamahalaan ang kooperasyon ng mga maritime training institutions, universities, colleges at mga local shipping lines na nagbibigay ng On-the-Job-Training (OJT),” dagdag nito.

Hinikayat ng mambabatas ang mga maritime training institutions na habang wala pang bagong panuntunan n inilalabas ang EU at EMSA ay dapat na magplano kung papaano makakasunod sakaling maipatupad ang bagong training standards.

“Dapat maging handa tayo na i-level-up ang curriculum na pasok sa international standards. Ito ay para sa kapakanan ng mga maritime graduates upang mapadali ang paghahanap nila ng trabaho. Kakailangan natin ang sanib-pwersa na tulong ng gobyerno at ng mga paaralan dahil napakaraming Pilipino ang umaasa sa mga marino o seaman at isa sila sa mga nagpapalakas ng ating ekonomiya,” pahayag pa nito.

Handa aniya ito na mabigyan ng technical assistance at incentives ang mga maritime training institutions kung paano makakasabay sa international training standards.

“Kailangan din ng entrepreneurship assistance at social security protection ng ating mga marino dahil marami sa kanila ay walang mapasukang trabaho dito sa ating bansa kapag hindi na sila makasakay ng barko. Lahat po ng ito ay ating ilalaban at isusulong sa Kongreso,” sabi ni Verzosa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s