
Ni NOEL ABUEL
Isinusulong ng ilang kongresista na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga nasa likod ng tobacco smuggling.
Sa House Bill no. 3917 na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Sandro” Marcos, layon nito na amiyendahan ang ilang probisyon ng Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Layunin din ng panukala na magpataw ng parusa ayon sa itinatadhana sa ilalim ng RA 10845 sa pagpupuslit ng mga tobacco products.
Ang panukalang batas ay naglalayong amyendahan ang Seksyon 3 ng RA 10845 upang isama ang tobacco smuggling– manufactured o manufactured kabilang ang mga natapos na produkto tulad ng tabako, sigarilyo, o heated tobacco- bilang economic sabotage na papatawan ng parusahang habambuhay na pagkakakulong at multang doble ng patas na halaga ng smuggled na produktong agrikultural at ang pinagsama-samang halaga ng mga buwis at iba pang singilin.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Nograles na ang pagsasaka ng tabako ay nananatiling pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng nakakaraming magsasakang Pilipino sa kabila ng pagtaas ng excise taxes para sa pagbebenta ng mga produktong tabako.
“The tobacco industry is a common source of income for many Filipinos. This contributes to around 516,000 labor force in 2019 and around 2.2 million Filipinos generated earnings from the industry. The significant impact was it accounts for 6% of tax revenue in 2020, and 58% of so-called sin tax receipts are being used to finance the national health budget – including the universal health care resulting in 8 million more low-income families receiving health care under this program,” paliwanag pa ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na ang produksyon ng tabako ay nananatiling napakataas mula Abril hanggang Hunyo 2022, ang produksyon ng tuyong dahon ng tabako ay tinatayang nasa 36.38 libong metriko tonelada, kung saan ang rehiyon ng Ilocos ang nangungunang tagagawa ng tabako para sa bawat bahagi ng taon na may 24.02 libong metriko tonelada o 66% bahagi sa kabuuang produksyon ng tabako.
Gayunpaman, ang mga lokal na magsasaka ng tabako at mga lehitimong tagagawa ng produktong tabako ay hindi lamang naghihirap sa ekonomiya dahil sa mataas na excise tax na ipinapataw ng gobyerno kundi dahil din sa napakalaking halaga ng mga produktong tabako na ipinuslit sa bansa ng mga walang tiwaling importer at negosyante.
Bilyun-bilyon din ang nawawalang kita ng gobyerno dahil sa hindi nakokolektang excise tax mula sa mga smuggled na smuggled tobacco products.
“The government revenues are lost from smuggled, unregistered, and unregulated cigarettes which are being sold via container vans shipments. This resulted in an estimated Php 26 billion in financial losses annually. If this continues, it will affect our local tobacco industry and roughly 2.2 million kababayans will be affected,” sabi pa ni Nograles.
Sa panukalang batas, sinabi nina Nograles at Marcos na sa ilang lugar sa Pilipinas katulad ng Zamboanga del Sur at Misamis Occidental, tinatayang anim (6) sa 10 sigarilyong ibinebenta sa palengke ay nagmumula sa mga ilegal.
“Almost daily, there are new reports of seized illegal cigarettes by the Bureau of Customs in Mindanao and this is just the tip of the iceberg. Even in the tobacco-producing region of Ilocos, nearly 10% of the cigarettes sold are illicit,” sa explanatory note ng HB 3917.