Pagbaha sa Floridablanca, Pampanga may solusyon na– DPWH

Ni NERIO AGUAS

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang flood control project sa kahabaan ng Porac River upang protektahan ang mga kalapit na mabababang lugar sa Floridablanca, Pampanga laban sa pagbaha sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa DPWH, ang bagong tayong 171.3-lineal meter revetment wall sa Paguiruan Section bg Porac River sa bayan ng Floridablanca ay itinayo ng DPWH Pampanga Second District Engineering Office (DEO)

Base sa report ni DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang revetment wall sa bahagi ng ilog ay mag-uugnay flood mitigation structures na itinayo noong 2019 at 2022.

Ipinaliwanag pa ni Secretary Bonoan na ang buong agricultural town ng Floridablanca, na pangalawa rin sa pinakamalaking rice producer sa Pampanga, ay kinilala bilang isa sa mga lugar na madaling bahain sa lalawigan na ang ginagawang pangmatagalang solusyon ay tuluy-tuloy na probisyon ng flood control structures para mabawasan ang pinsala sa mga residential zone at mga bukirin ng bayan.

Ang proyekto ay natapos sa halagang P19.59 milyon na nanggaling sa 2021 General Appropriations Act (GAA).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s