Namamasko si Jimmy Patricio sa Bureau of Customs?

MAHIGIT isang buwan pa bago ang inaabangan nating Pasko pero sa Bureau of Customs, may isang tiwaling indibiduwal na agad ang namamasko sa iba’t ibang player.

                Ang pangalan ng “loko-lokong” ito si alyas Jimmy Patricio na naisulat na natin kamakailan.

                Kung matatandaan, si JP (pinaikling Jimmy Patricio) ay nagpapakilalang ‘bagman’ umano ni BoC chief Yogi Ruiz!

                Hindi tayo naniniwalang may ‘blessings’ ni Ruiz ang galaw ni JP.

                Kaya nga ang pinakabuod ng ‘column’ natin kamakailan ay nananawagan kay Ruiz na ipahuli agad si JP dahil nakasisira ito sa kanyang pangalan.

                At baka ito pa ang maging dahilan upang mawala sa puwesto si Ruiz — huwag naman!

                Alam naman ng lahat na isa sa umuugong na pangalan ngayon na umano’y papalit kay Ruiz ay si dating PNP general Noel Estanislao na naging hepe ng Task Force Jericho ng DILG.

                Eto ngayon ang siste, BoC chief Ruiz.

                Kung noong una ay ‘goodwill’ ang hinihingi ni JP, ngayon naman ay ‘Pamasko’ na raw gamit uli ang pangalan ng OCom o Office of the Commissioner.

                Kung dati’y P5-10 million kada isang ‘goodwill’ ang hirit ni JP,  ngayon naman ay P1-5 million kada Christmas gift.

                Depende raw ang amount kung gaano kalakas magparating ang isang Customs broker.

                Sabi pa ni JP, kapag hindi nagbigay ngayong Pasko, tiyak na may paglalagyan sila sa darating na Enero.

                Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang kumag na ‘to.

                Pero magkagayunman, naniniwala pa rin tayong may gagawing aksiyon si Commissioner Ruiz laban kay Jimmy Patricio!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s