Gobyerno biggest violator ng kontraktuwalisasyon — solon

Rep. Bernadette Herrera

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera sa gobyerno na maging halimbawa at ayusin ang problema sa kontraktuwalisasyon, na kilala rin bilang end-of-contract o endo, sa pampublikong sektor.

“The biggest violator of contractualization is actually the government,” sabi ni Herrera sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation na tumalakay sa kanukala nitong House Bill 1387, na naglalayong bigyan ng civil service eligibility ang matagal nang nagtatrabaho sa gobyerno.

“Hopefully, HB 1387 will put an end to that. If we want to end endo in the private sector, we have to lead by example in government,” sabi ng kongresista.

Sa ilalim ng HB 1387 layon nito na gawing automatic civil service eligibility ang mga matagal nang casual state workers upang mabawasan na ang labor contractualization sa pamahalaan.

Sakop sa ilalim ng panukalang batas ni Herrera ang mga empleyado ng gobyerno na may mga casual o contractual positions sa una at ikalawang antas at nakapagbigay ng hindi bababa sa limang magkakasunod na taon ng serbisyo sa gobyerno.

Gayunpaman, itinatadhana ng panukalang batas na ang mga empleyadong ito ay “hindi magiging karapat-dapat sa anumang promosyon maliban kung makuha nila ang naaangkop na kinakailangan sa pagiging kwalipikado para sa posisyong iyon.”

Sa datos ng Civil Service Commission, noong 2017, tinatayang nasa 2.4 milyon ang state workers, dahilan upang ang gobyerno ang pinakamalaking employer sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, mahigit sa 660,000 ang casual o contractual workers.

Ayon kay Herrera, ang pagbibigay ng regular status ay magsisilbing isang insentibo tungo sa mas produktibong trabaho, pamumuhunan sa trabaho ng isang tao, at pagkuha ng isang pangmatagalang pananaw sa pagsulong ng career advancement ng isang tao.

“Considering the services they extend in all government offices vis-a-vis the insufficient benefits and privileges accorded the casual and contractual employees, the government should grant these dedicated employees who have rendered efficient service in the bureaucracy an opportunity to obtain their civil service eligibility,” paliwanag nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s