Suporta ng Kamara kay PBBM siniguro ni Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Makakaasa ng tulong at suporta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagtugon sa tatlong kritikal na isyu na inihain ng Chief Executive sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.

Sa kanyang pambungad na pananalita bago ang APEC CEO Summit, sinabi ni Pangulong Marcos na ang ekonomiya sa Asia-Pacific ay dapat magtulungan para sa mga pagbabago sa istruktura at patakaran upang malutas ang kawalan ng seguridad sa pagkain, palakasin ang pandaigdigang sistema ng kalusugan, at gumawa ng mas malakas na aksyon sa pagbabago ng klima.

Nabanggit ng Punong Ehekutibo na ang pagtugon sa tatlong kritikal na isyung ito ay susi sa pagpapagana ng mabilis na pagbangon at paglago ng ekonomiya sa paraang lumilikha ng mga trabaho, kabilang ang mas maraming tao sa mainstream, at binabawasan ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.

“We totally agree with the President’s assessment that these issues present serious obstacles on our path to recovery. He can count on the unwavering support of the House for the passage of measures addressing these issues of concern,” sabi ni Romualdez.

Matatandaang nauna nang ginawa ng Kamara at Senado sa unang pulong ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) na ipinatawag ng Pangulo noong Oktubre 10 para pagtibayin bilang bahagi ng kanilang Common Legislative Agenda (CLA) ang mga priority measure na binanggit ng Chief Executive sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Karamihan sa mga prayoridad na hakbang na ito, ayon kay Romualdez, ay makatutulong sa pagtugon sa mga isyung inilahad ng Pangulo sa APEC Summit.

Ayon pa kay Romualdez kabilang dito ang Department of Water Resources Bill, Land Use Act, at ang Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries bill, na makakatulong para makabangon ang sektor ng agricultural at mapabuti ang kanilang produksyon.

Sa kabilang banda, ang Medical Reserve Corps bill, National Disease Prevention Management Authority bill, at ang Virology Institute of the Philippines bill ay makakatulong naman para mapalakas ang kahandaan ng bansa laban sa nakahahawang sakit.

Binanggit din ni Romualdez na ang tumaas na green and renewable energy sources sa bansa ay maaaring isama sa mga talakayan ng iminungkahing pag-amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Idinagdag pa nito na malugod na tatanggapin ng Kamara ang anumang bagong panukala na maaaring naisin ng administrasyong Marcos sa priority legislative agenda nito na naglalayong bigyan-daan ang ekonomiya na ganap na makabangon mula sa mga epekto ng pandemya.

Gayundin, sinabi ni Romualdez na maaaring makatulong ang Kamara sa paghubog ng mga programa ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang tumutugon ang mga ito sa mga lugar na apektado sa pamamagitan ng power of the purse, partikular na ang may kaugnayan sa pag-apruba ng 2023 budget.

“In the bicameral conference committee, after the Senate has approved its own version of the proposed 2023 budget, we can help fine-tune the funding of concerned agencies to build their capacities at addressing these pressing problems,” ayon pa kay Romualdez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s