OFWs problemado sa OEC at BI — Rep. Magsino

Ni NOEL ABUEL

Umapela ang isang kongresista sa pamahalaan na madaliin ang pagpapalabas ng Overseas Employment Certificate (OEC) at immigration policy ng bansa na nagpapahirap sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ang panawagan ay ginawa ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, sa kanyang privilege speech kung saan binanggit nito ang mga alalahanin ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at Overseas Filipinos (OFs) nang magtungo ito sa Indonesia noong Oktubre.

Ayon sa mambabatas, nagsagawa ito ng tatlong beses na dayalogo sa mga OFWs at OFs sa Indonesia, at nagsagawa ng courtesy call sa Indonesian Minister of Law and Human Rights.

Giit ni Rep. Magsino, ang sentimiyento ng karamihan sa mga nakausap nitong OFWs at OFs ay ang hirap sa sistema at proseso ng recruitment, deployment at maging ang pag-uwi ng mga ito sa bansa.

“As the only legislator representing OFWs and OFs in the 19th Congress, I carry upon me the great challenge to help protect the rights and promote the welfare of a global constituency. And it is incumbent upon me to see firsthand how they are faring in their host countries and to personally listen to their sentiments and suggestions, thereby bridging the gaps between our policies and its actual implementation, and filing remedial legislation if needed,” bahagi ng privileged speech ni Magsino.

Iniulat din ng OFW party list representative ang paulit-ulit na lumabas sa mga dayalogo ay ang pag-aalala sa OEC.

Inaatasan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga OFW, sa pamamagitan ng mga patakaran at regulasyon nito, na magkaroon ng OEC bago makaalis ng bansa para magtrabaho sa ibang bansa.

Isa itong ‘exit clearance’ na nagpapatunay na ang isang OFW ay sumailalim sa legal recruitment at iniharap sa Bureau of Immigration (BI) bilang patunay na ang OFW ay may legal employer sa ibang bansa at sumailalim sa dokumentasyon para magtrabaho sa ibang bansa

“Our OFWs are pushing for the removal of the OEC as a pre-departure requirement, or at the very least, to streamline the process of application and acquisition of the said document,” sabi pa ni Magsino.

Ang mungkahing ito ay lumitaw dahil sa mahaba at nakakapagod na proseso na dulot ng pabalik-balik na pakikitungo sa mga kinauukulang ahensya, ang kasama ang napakalaking gastusin para sa mga kinakailangang dokumento, at ang kakulangan ng mga iskedyul ng appointment at mga tauhan na itinalaga upang iproseso ang mga aplikasyon vis-à-vis sa dami ng mga aplikasyon.

Maliban pa aniya ang maling interpretasyon at maling paggamit ng mga regulasyon ng ilang fñ tauhan ng gobyerno na humihingi ng karagdagang mga dokumento nang higit sa kung ano ang kinakailangan lamang ng mga patakaran.

Ipinaabot din ng mambabatas ang reklamo ng mga OFWs sa Indonesia sa madalas na mabibiktima ng “off-loading’ ng immigration personnel sa kabila ng pagkakaroon ng valid na OEC, visa at iba pang mga kinakailangan.

“With their documentary requirements having gone through rigorous processes and properly issued, the immigration personnel’s duty must simply be administrative and facilitative; they have no basis to off-load when all documents are in order,” sabi ni Magsino.

Iniñahad din nito ang iba pang mga policy concerns na tinalakay sa mga dayalogo tulad ng kasalukuyang limitasyon sa direct hire, patuloy na mga kaso ng illegal recruitment, ang pangangailangan para sa Philippine Overseas Labor Office sa lahat ng mga bansa, ang mandatoryong kontribusyon ng PhilHealth ng OFWs, at kung paano makakaapekto ang Sim Card Registration sa mga OFW.

“Naniniwala ako na may sapat na kapangyarihan at kakayahan ang ating pamahalaan, partikular and DMW upang pamunuan ang mga pagbabagong ninanais ng ating mga OFWs at OFs. Tayo sana ay kumilos nang sama-sama tungo sa mga hakbang at pagbabagong magpaparamdam sa ating mga OFWs kung gaano natin sila pinapahalagahan bilang mga kababayan at mga bayani ng ating Inang Bayan. Sana ay magtulungan tayong lahat upang tunay na maipakita sa ating OFWs na sila ang bida sa Pilipinas,” pahayag pa ni Magsino.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s