Doña Remedios Trinadad, Bulacan dadagsain na ng turista–DPWH

Ni NERIO AGUAS

Isinaayos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga bahagi ng Eastern Bulacan Road sa Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan upang mapadali ang mas mahusay na pag-access sa mga pangunahing destinasyon ng turismo sa bayan.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, na base sa ulat ni DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino, ang bahagi ng kalsada na may sukat na 6.74 lane kilometers at 3.38 lane kilometers mula Barangay Sapang Bulak hanggang Barangay Camachile ay na-upgrade sa pamamagitan ng asphalt overlaying.

Tinawag na DRT, itinuring na “Last Frontier” ng Bulacan na magpapakita ng mga man-made landmark, resort getaways, at natural wonders tulad ng Puning Cave sa Brgy. Bayabas, Secret Falls sa Brgy. Camachile, Candle Monument sa Brgy. Camachin, Tila-Pilon Hills sa Brgy. Kalawakan, Verdivia Falls sa Brgy. Talbak, at ang Caribbean Waves Resort sa Brgy. Pulong Sampaloc.

Sinabi ni Bonoan na ang pagkumpleto ng road rehabilitation at preventive maintenance projects ay magbibigay-daan sa mga bisita na makaranas ng mas maginhawa at mas ligtas na pag-access sa mga nangungunang destinasyon ng turista ng DRT na may makabuluhang pagbawas sa oras ng paglalakbay upang hikayatin ang mga manlalakbay mula sa mga kalapit na lugar, partikular ang Metro Manila, na tuklasin ang maraming atraksyon ng bayan.

“The boost in tourism brought about by ease of travel in the town is also expected to open more economic opportunities for DRT residents,” sabi ni Bonoan.

May kabuuang alokasyon na P96.5 milyon, ang road improvement projects ay ipinatupad ng DPWH Bulacan Second District Engineering Office (DEO).

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s