BI at CICC kapit-kamay vs cybercrimes at fraud

NI NERIO AGUAS

Lumagda ng kasunduan ang Bureau of Immigration (BI) sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para sa pagkakaroon ng cybercrime hubs na magbabantay laban sa mga foreign nationals na sangkot sa cyberime at fraud.

Personal na nilagdaan nina BI Commissioner Norman Tansingco at  CICC Executive Director Alexander Ramos ang nasabing kasunduan kung saan ang cybercrime hubs ay ilalagay sa mga pangunahing paliparan at sa main office ng BI.

Nabatid na ang CICC ang lead coordinating agency ng pamahalaan na lumalaban sa cybercrimes. 

Sa nasabing kasunduan, magkakaloob ng tulong ang BI sa imbestigasyonsa cybercrime at fraud na sinasasangkutan ng mga dayuhan.

“This invaluable partnership between government agencies is a major step towards eliminating cybercrime in the country,” sabi ni Tansingco. 

Nagbabala pa ito sa mga dayuhan na masasangkot sa cybercrime na hindi makakaligtas sa kamay ng batas kung saan sa sandaling maaresto ay agad na ipapatapon pabalik ng kanilang bansa at awtomatikong ilalagay sa  blacklist upang hindi na makabalik pa sa Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s