Paglilipat ng pondo ng DICT at MMDA kinuwestiyon ng kongresista

Rep. Paul Daza

Ni NOEL ABUEL

Kinuwestiyon ni Northern Samar Rep. Paul Daza ang paglilipat ng pondo sa pagitan ng
Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa privilege speech ni Daza, pinagpapaliwanag nito ang DICT at MMDA dahil sa ilang diumano’y kuwestiyunableng paglilipat ng pondo sa pagitan ng dalawang ahensya.

Ayon sa kongresista, bagama’t kinilala nito ang paglilipat ng pondo ay maaari pa rin aniya itong maisakatuparan sa mabuting hangarin, sinabi nito ang tungkulin ng Kongreso na matiyak ang maayos na pamamahala sa pananalapi.

“Let’s just hope that our assumption of good faith holds true, otherwise, MMDA may just stand for ‘Money Making from DICT Allocations’,” giit nito.

Ayon kay Daza, ang malaking bahagi ng P12-bilyong budget na inilaan ng Kongreso sa DICT para sa Free Wi-Fi for All Program ay nailipat sa MMDA sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MoA).

“We were informed recently that about three to four billion pesos of the budget allocation was ‘distributed’ to the MMDA and several LGUs. I believe that such inter-agency transfers, without clear guidance from Congress — which is mandated to enact the General Appropriations Act — is highly suspicious, if not illegal,” sabi ni Daza.

Maliban sa aktwal na inter-agency transfer, ipinunto pa ni Daza ang tila kuwestiyunableng paraan ng paggastos ng MMDA sa mga natanggap nitong pondo mula sa DICT.

“Just last November, the MMDA bid out a P1.1 billion project for the NCR Fiber Optic Backbone Development, and is now set to award the contract to the winning company. Do you know how many qualified bidders participated in this high-value project? One. Just one. Of course, this lone bidder won,” pag-uusisa pa ng mambabatas.

Bagama’t ang bidding documents ay makikita sa online, ang website ng MMDA ay hindi nagbibigay ng anumang mga detalye tungkol dito.

Gayunpaman, binanggit ni Daza ang isang “very reliable source” na ang nag-iisang winning bidder ay joint venture sa pagitan ng A-WIN, ang kumpanyang nasa likod ng major accident sa Mandaluyong sa EDSA at NET PACIFIC, Inc.

“If this is the same group, shouldn’t the fact that they accidentally burst a pipe in along a major thoroughfare raise some red flags?” tanong ng kongresista.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s