
Ni NOEL ABUEL
Tiniyak ng bagong kumpirmadong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Sec. Manuel Bonoan sa mga mambabatas na sisiyasatin ang “blacklisting” ng mga bogus na kontratista at isang watchdog na non-governmental organization (NGO) na pinangalanang Crimes and Corruption Watch International na nakikialam sa mga pampublikong bidding na isinasagawa ng ahensya na diumano ay nangingikil ng pera mula sa mga lehitimong bidder.
Ginawa ni Bonoan ang pangako sa harap ng bicameral Commission on Appointments (CA) sa pagdinig ng kumpirmasyon sa kanyang ikalawang appointment bilang DPWH secretary.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Works and Highways, isinumbong ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, na tumayong majority leader ng 25-member body ng CA, kay Bonoan ang mga reklamo ng DPWH district engineers and contractors’ organizations na mayroong hindi bababa sa 9 na kontratista ang nakikilahok sa mga bidding sa public works projects ngunit ang tanging layunin ay gumawa lamang ng mga gawa-gawang bidding at pagkatapos ay humihingi ng malaking pera mula sa mga lehitimong mga bidders.
“Ang modus operandi po n’ya, Secretary, NGO po s’ya, meaning observer po s’ya sa mga biddings nationwide, but ginagamit po n’ya ‘yung position n’ya (as accredited observer) para mag-extort sa mga contractors,” ani Villafuerte.
Nagpasalamat naman si Bonoan kay Villafuerte sa impormasyon na sinabi ni Villafuerte at tiniyak na 100 porsiyentong iimbestigahan nito ang nasabing usapin.
Sa nasabing pagdinig, sinabi rin ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta, ang mga umano’y bogus na bidder na ito na Precious Construction, St. Gerard Construction, Honey Ville Construction, St. Timothy Construction, Alpha at Omega Construction, Ware Construction, WCX Construction Corp., St. Matthew Construction at O.L. de Leon Construction.
Sinabi ni Villafuerte na ang paggamit sa parehong mulcting approach, ang DPWH-accredited NGO na nagpapakilalang anti-graft watchdog ay nakikilahok bilang official observer sa mga pampublikong bidding na itinakda ng DPWH at pagkatapos ay nagpapahayag din ng protesta sa mga pekeng singil ng mga bidding na may kasunod ng pangingikil ng pera mula sa mga kalahok na bidder.
Tinukoy ng kongresista ang nasabing NGO na may observer status sa DPWH bilang Crime and Corruption Watch International, na pinatatakbo ng isang Carlos Battalla, ang chairman-president ng NGO.
“Ako, ano lang, meron lang akong gustong i-raise na minor issue … meron kasing mga complaints … among district engineers and mga contractors’ associations, (that there are) mga contractors na ang trabaho lang ay nagbi-bid, sumasali, nanggugulo, tapos sumasahod lang,” pagtatanong ni Villafuerte kay Bonoan.
“We want to call your (Bonoan) attention … (these complaints were) provided to me, and under your leadership siguro, please attend to them. These complaints, ‘yung mga kumpanyang ‘to, siguro for possible, pag-aralan n’yo kung iba-blacklist ba ‘to o hindi,” sabi pa nito.
“I’m sure you’ve received reports, meron silang staff all over the country, bumibili ng bid documents, sumasali, with the business strategy of sahod. Etong mga kumpanyang ‘to, Mr. Secretary, for your information, nakikinig ang publiko, ang mga pangalan ay Precious Construction, St. Gerard Construction, Honey Ville Construction, St. Timothy Construction Corp., Alpha and Omega Construction, Ware Construction, WCX Construction Corp., St. Matthew Construction and O.L. de Leon Construction.For your info lang po, and I trust that you will act on this kasi ginugulo nila po ang batas na procurement. They just bid for the sake of guluhin and we don’t want that to happen,” aniya pa.
Sinabi ni Villafuerte na mayroon ding grupong pinangalanang “Crimes and Corruption Watch International, isang accredited NGO sa DPWH, hindi noong panahon mo, noong nakaraang administrasyon, na pinamumunuan ng isang Carlo Batalla.
“And I know na hindi n’yo papayagan ‘yan. At marami na po akong na-receive sa aking opisina na ginagawa nila ‘to at kilala pa namin ‘tong si Carlo Batalla. Hindi naman ‘to anti-crime … short of saying, alleged extortionist po ‘to. So ‘yun lang po, we don’t want this administration and your leadership to be damaged by these shady characters. So we hope, Mr. Secretary, you can attend to these complaints. These are not my personal complaints; these are complaints from contractors’ associations and groups within the infrastructure sector. Maybe you can respond,” paliwanag pa ni Villafuerte.