
Ni NOEL ABUEL
Nangako ang Bureau of Customs (BOC) na matatanggap na ng mga pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang ipinadalang balikbayan boxes ngayong Disyembre
Ito ay matapos na kumilos at tumulong si OFW prty list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa apela ng maraming kaanak ng OFWs na hanggang ngayon ay hindi pa rin matatanggap ng mga ito ang ipinadalang balikbayan boxes ng kabilang kaanak na nasa ibang bansa.
Pagtitiyak ni BOC Director Michael Fermin kay Rep. Magsino, agad na ilalabas ang lahat ng balikbayan boxes na inabandona ng mga consolidators at de-consolidators sa BOC.
Una nang inihain ni Magsino ang House Resolution 499 bilang tugon sa pagdami ng mga international shipping scam kung saan ang mga freight forwarders sa ibang bansa ay naniningil ng processing fees sa mga OFWs sa mababang rate samantalang ang katotohanan, ang kanilang partner na de-consolidator o local freight forwarder dito sa Pilipinas at walang natanggap na pondo na iproseso at ilabas mula sa BOC ang nasabing balikbayan boxes.
Sinasabing dahil sa hindi pagde-deliver ng mga balikbayan boxes ay maraming reklamo tungkol sa late delivery o pag-abandona ng mga balikbayan boxes.
Ayon sa datos ng BOC, kabuuang tatlumpu’t dalawang (32) container ng balikbayan boxes ang inabandona ng mga consolidator at de-consolidator mula Agosto 2021 hanggang Hulyo 2022 na naglalaman ng 6,693 balikbayan boxes.
Habang isaa pang anim (6) na container ang sumasailalim sa inventory at ihahatid din ng BOC sa mga may-ari nito.
“As part of the efforts of the OFW party list to resolve this issue, we regularly communicate with BOC to be apprised of the steps taken on the delivery of the abandoned balikbayan boxes and the prosecution of the fraudulent freight forwarders who scammed our OFWs and abandoned their boxes in warehouses. In our meeting today with BOC, we are happy to get BOC’s commitment to deliver all these balikbayan boxes to the homes of our OFWs by mid-December. Albeit delayed, we are glad that our OFW families will finally enjoy the gifts of their loved ones abroad,” paliwanag ni Magsino.
Tinalakay rin ng kongresista at ng BOC na iniutos na ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ang lahat ng balikbayan box ay exempted sa 100%-intrusive-examinations at dadaan lamang ito sa karaniwang pag-scan at K9 inspection.
Iginiit din ni Rep. Magsino ang pangangailangang kasuhan ang mga consolidator at de-consolidator na sadyang nag-abandona sa mga balikbayan box.
Iniulat ng BOC na nagsampa na ito ng mga paunang kaso at dalawampu’t anim (26) pang kaso laban sa mga kumpanyang ito.
“Apart from ensuring that we deliver these boxes to their rightful owners, we should also get to the bottom of this pernicious practice. The forwarders, consolidators and de-consolidators who scam our OFWs and abandon the boxes must be immediately blacklisted and prosecuted under our laws. Kailangan masupil itong panlolokong ginagawa sa ating mga OFWs. For the international forwarders, the Department of Migrant Workers (DMW) and Department of Foreign Affairs (DFA) will work with BOC to look for legal routes despite the extra-territoriality doctrine involved,” pagtitiyak pa ni Magsino sa BOC.