Pagtatayo ng flyover sa San Fernando City hiniling ng kongresista sa DPWH

Rep. Aurelio Gonzales

Ni NOEL ABUEL

Iminungkahi ni Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang pagtatayo ng flyover na nagkakahalaga ng P3 bilyon sa San Fernando ng nasabing lalawigan.

Ayon sa mambabatas, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga sa pagitan ng P2.7 bilyon at P3 bilyon ang nasabing flyover sa lungsod.

“The four-lane overhead roadway will greatly ease the flow of traffic within and around San Fernando and neighboring towns, between San Fernando and Angeles City, and between Pampanga and Nueva Ecija,” ayon kay Gonzales.

Paliwanag pa nito, sa pamamagitan ng flyover ay mapapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga lokal na pamahalaan, na naging mataong lugar dahil sa paglago nitong mga nakaraang taon.

Batay sa konsepto ng disenyo ng DPWH, ang iminungkahing flyover ay 1.59 kilometro ang haba at itatayo sa kahabaan ng Gapan-San Fernando-Olongapo (GSO) road, ang pangunahing highway na nag-uugnay sa Pampanga at Nueva Ecija.

Magsisimula ito sa Barangay Dolores bago ang panulukan ng GSO at MacArthur Highway, na nag-uugnay sa San Fernando at Angeles City, pakanluran at magtatapos pagkatapos ng GSO-Lazatin Boulevard crossing sa Barangay Magliman sa San Fernando.

“Even with the temporary bridges built across the two intersections, the junctions remain traffic bottlenecks. The solution really is a long flyover crossing GSO-MacArthur Highway and GSO-Lazatin Boulevard,” paliwanag pa ni Gonzales, na isa ring civil engineer.

Aniya, ang iminungkahing viaduct ay magiging mas mabilis din ang access sa North Luzon Expressway mula San Fernando City, sa kanlurang bahagi ng Pampanga at maging mula sa Zambales at Bataan.

Hinimok nito ang DPWH na isama ang overhead roadway sa regular nitong programa sa imprastraktura at maglaan ng pondo para dito.

Suportado ni Gonzales ang panukala ng DPWH at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagtatayo ng mga istrukturang proteksiyon sa paligid ng Mt. Arayat upang maprotektahan ang lokal na komunidad nasa paanan ng bundok mula sa pagguho ng lupa sa panahon ng tag-ulan.

Giit nito, marami nang kababayan nito sa bayan ng Arayat ang nasawi dahil sa nakalipas na mga pagragasa ng lupa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s