
NI NOEL ABUEL
Ipinasa na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa para sa mga sangkot sa game fixing.
Sa botong 249, inaprubahan ng Kamara sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig ng parusa sa game-fixing at pagpapataw ng mabigat na parusa tulad ng nangyayari sa professional at amateur sports contests.
Nakapaloob sa House Bill (HB) No. 4513 ang game-fixing bilang, “any arrangement, agreement, scheme, or act or series of acts, wherein any person or persons, maliciously conduct or cause to be conducted any professional or amateur sports other than on the basis of the honest playing skill or ability of the players or participants or even deliberately limiting the skill or ability of any player or participant in a game, race, or sports competition in order to influence the process or to produce a pre-determined result for purposes of gambling, betting, or as part of a scheme to defraud the public on the conduct and outcome of the game.”
Ang katunayan ng aktuwal na pagbabayad o pagtanggap ng pera o anumang mahalagang pagsasaalang-alang ay hindi kinakailangan upang mabuo ang krimen ng game-fixing ngunit ito ay dapat ituring na isang prima facie evidence.
“This proposed measure seeks to expand the elements constituting the crime of game-fixing and prescribe stiffer penalties to arrest the widespread illicit practice, and by so doing, to promote the true spirit of sportsmanship,” ayon sa panukala.
Ang HB No. 4513 ay ipinanuka nina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe at Reps. Faustino Michael Carlos III T. Dy, Michael L. Ph.D. Romero, Noel “Bong” N. Rivera, Paul Ruiz Daza, France L. Castro at Arlene D. Brosas.
Ang iba pang anyo ng game-fixing tulad ng point-shaving, game machination, at ang abetting, aiding, o inducing sa sinumang tao upang gumawa ng game-fixing at kumita mula dito ay paparusahan din sa ilalim ng panukalang batas.
“Point-shaving refers to any such arrangement, combination, scheme, or agreement by which the skill or ability of any player or participant in a game, race or sports competition to make points or scores shall be deliberately limited to influence the result in favor of one or the other team, player or participant therein,” ayon sa panukala.
“On the other hand, game machinations refer to any other fraudulent, deceitful, unfair or dishonest means, method, manner or practice employed for the purpose of influencing the result of any game, race, or sports contest,” dagdag nito.
Sa sandaling maging batas, ang parusa sa game fixing ay pagkakakulong ng 3-taon hanggang 6-taon at multang aabot sa P1,000,000.00 hanggang P5,000,000.00.
Kapag ang nagkasala ay isang atleta, promoter, referee, umpire, judge, o coach, ang parusang ipapataw ay pagkakulong mula anim (6) taon at isang (1) araw hanggang labindalawang (12) taon o multa na hindi bababa sa P1,000,000.00 ngunit hindi hihigit sa P5,000,000.00 o pareho.
Parusang habambuhay na pagkakabilanggo o multang P10,000,000.00 hanggang P50,000,000.00 ang ipapataw sa mga miyembro ng sindikato.
Kung ang nagkasala ay isang pampublikong opisyal, kung inihalal o hinirang, ang parusa ay perpetual disqualification sa pampublikong tanggapan, ang pinakamataas na parusa ay ipapataw.
Sinumang tao na nagmumungkahi, nagtangka, o nagsasabwatan na gumawa ng game-fixing ay dapat magdusa ng parusang pagkakulong mula isang (1) taon hanggang tatlong (3) taon, o multa na hindi bababa sa P500,000.00 ngunit hindi hihigit sa P1,000,000.00.
