Imbestigasyon sa nasagip na Pinay sa Myanmar iniutos

BI Commissioner Norman Tansingco

NI NERIO AGUAS

Iniutos ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang agarang imbestigasyon sa ulat hinggil sa kaso ng mga Pinay na nasagip sa bansang Myanmar.

Ang utos ay matapos na ilabas ni Senador Risa Hontiveros sa kanyang privileged speech noong nakalipas na Nobyembre 21 na isang babae na biktima ng human smuggling ang naging biktima ng sindikato.

Base sa pahayag ng Pinay na si Rita, (di tunay na pangalan) na-recruit ito kasama ang 11 iba pa sa pamamagitan ng social media na  Facebook base sa nakitang advertisements na may job opening sa call center at encoder sa bansang Thailand.

Ngunit nang makarating sa nasabing bansa ay sapilitan umanong dinala ang mga ito sa Myanmar at pinagtrabaho bilang scammers gamit ang cryptocurrency accounts.

Sinabi ni Tansingco na makikipag-ugnayan ang BI sa tanggapan ni Hontiveros upang makakuha ng iba pang impormasyon at malaman kung papaano nakalabas ng bansa ang mga ito para magtrabaho sa ibang bansa nang walang kaukulang papeles.

 “We will be coordinating with the Office of Senator Hontiveros to seek further information about this case,” sabi ni Tansingco. 

“We are also interested to find out how these victims were able to depart despite stringent immigration assessment,” dagdag nito.

Una nang nagsagawa ng pag-iinspeksyon si Tansingco nang maupo ito bilang BI commissioner, sa Ninoy Aquino International Airport at binalaan ang mga BI personnel na hindi nito kukunsitihin ang anumang uri ng kurapsyon sa trabaho ng mga ito.

 “Ayoko ng pastillas.  Ayokong ako pa mismo ang mag posas sa empleyado natin na involved sa corruption,” babala nito.

 Sinabi pa ni Tansingco na ang anti-corruption ang pinakaprayoridad ng pamununo nito kun saan nagbanta ito na mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang ihahain laba sa sinumang BI personnel na masasangkot sa katiwalian.

“These human traffickers try to circumvent immigration assessment by adjusting their modus operandi.  Oftentimes, syndicates provide fake employment documents and statements to their victims,” ayon pa dito.

Sa datos ng BI, noong 2021, sa kabila ng pandemya, aabot sa 13,860 pasahero ang hindi pinayagang makaalis ng bansa dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento  habang nasa 688 kaso naman ng human trafficking at illegal recruitment ang nasabat sa NAIA.

Sinabi pa ni Tansingco na nakikipag-ugnayan na rin ito sa Department of Migrant Workers (DMW), at sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para i-update ang polisiya sa trafficking at illegal recruitment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s