8 OFWs nailigtas sa tulong ng OFW party-list

Si OFWs party-list Rep. Marissa “Del Mar Magsino kasama ang Ilan sa mga overseas Filipino workers na kabilang sa nasagip mula sa Laos sa tulong ng DMW at DFA

Ni NOEL ABUEL

Iniulat ng OFW party-list na nailigtas ang walong overseas Filipino workers (OFWs) na galing sa bansang Laos, sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Nabatid na humingi ng tulong sa tanggapan ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang mga distressed OFWs na biktima ng illegal recruitment.

Ayon sa kongresista, nakalusot palabas ng bansa ang nasabing mga Pinoy dahil sa umano’y pakikipagsabwatan ng kanilang recruiter sa loob ng Bureau of Immigration.

Sa pahayag ng mga OFWs, pinangakuan ang mga ito ng maayos na trabaho, malaking sahod, libreng pabahay at pagkain ngunit sila’y dinala sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia at pinasok bilang scammers sa mga negosyong pinapatakbo ng nga sindikato sa tinaguriang “Golden Triangle”.

Hindi rin nila nakuha ang kanilang sweldo at nagkaroon ng pagtangkang sila’y kuryentehin nang mahuling humingi ng tulong sa ating pamahalaan.

Bukod sa tulong sa repatriation, idinulog din ni Rep. Magsino sa DMW na mapabilang ang mga ito sa Reintegration Program ng departamento.

“Masalimuot ang naging karanasan ng mga biktima at nakakalungkot din na ang illegal recruiter na nambiktima sa mga ay patuloy pa rin ang modus operandi at patuloy na nagpapahamak sa ating mga kababayan,” ayon kay Magsino.

Pinapayuhan ng mambabatas ang mga Filipino na mag-ingat sa mga hiring agency o recruiter at siguraduhing ito’y lehitimong rehistrado sa POEA.

“Mabuti din na makipag-transaksyon lamang sa mga recruitment agency na nakalista sa Department of Migrant Workers (DMW),” ayon pa sa kongresista.

Pahayag pa ni Magsino, pinaplano na rin ng OFW party list ang malawakang dayalogo sa DMW, Bureau of Immigration, mga law enforcement agencies, at ibang mga mambabatas upang makatulong sa pagsugpo sa lumalawak na operasyon ng illegal recruitment sa bansa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s