
Ni JOY MADALEINE
Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pagbubukas ng Department of Science and Technology (DOST) Regional Science and Technology Week sa National Capital Region na ginanap sa University of Caloocan City (UCC) Congressional Campus.
Ayon sa DOST, ang nasabing okasyon ay nagtatampok ng mga inobasyon sa paglikha ng trabaho, proteksyon sa yaman at pati na rin ang mga napapanatiling alternatibo para sa mga susunod na henerasyon.
Sa isang maikling talumpati ay tinanggap ni Mayor Malapitan ang mga panauhin, estudyante, at exhibitors at nagpahayag din ng suporta at pagpapahalaga sa mga proyekto ng DOST at mga katuwang na ahensya nito.
“Science and technology is the key towards innovation and societal development. Malaking bahagi po ito ng ating pang araw-araw na buhay at mas mabilis at epektibong mga proseso at resulta,” ayon sa alkalde.
“Kami po sa pamahalaang lungsod ay nagpapasalamat sa DOST at sa iba pang ahensya ng pamahalaang nasyonal sa pagtulong sa amin sa pagsisikap na imulat ang mga Batang Kankaloo sa larangan ng agham at teknolohiya,” dagdag pa nito.
Ginawaran ng DOST ang pamahalaang lungsod sa mga proyekto nito, tulad ng “STARBOOKS,” isang kiosk na naglalaman ng libu-libong digitalized science and technology resources sa iba’t ibang format na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral at guro sa kanilang mga pagsisikap sa pananaliksik.
Dumalo sa nasabing sina Caloocan City District 1 Rep. Oscar Malapitan, DOST Regional Operations Usec. Sancho Mabborang, DOST-NCR Officer-in-charge Engr. Romelen Tresvalles at DOST-NCR CAMANAVA CASTO Director Warren Gomez.