
GALIT na galit ang magulang ng isang 15-anyos na lalaki dahil sa sinapit ng kanilang anak na nagtungo sa isang peryahan sa Rizal province at nagkaroon ito ng sexually transmitted disease (STD).
Ang dahilan hindi lang pala sugal na drop ball at color game mayroon sa ilang peryahan sa probinsiya kundi mayroon din doong nagbebenta ng panandaliang aliw.
Hindi ko na papangalanan ang pangalan ng bata, pati ang kanyang magulang para na rin sa kanilang privacy at seguridad. Pero ang impormasyong ito ay ipinagbigay-alam mismo sa atin ng aking kaanak dahil kaibigan nila ang pamilya ng biktima.
Nabatid na ang 15-year-old na nasa Grade 9 level ay namasyal sa peryahan para sana sumakay ng rides. Pero naengganyo umano silang maglaro ng color game at doon nakilala ng bata ang isa ring menor de edad na nagbebenta na ng sariwang laman.
Sa halagang P700 ay napapayag nila ang bata na magkaroon ng ‘quickie sex’ sa isang damuhan at doon na nangyari ang sakit na pangmatanda lang at puwede naman talagang iwasan.
Sa ngayon, hindi malaman ng pamilya ng biktima kung dudulog sila kinauukulan dahil tiyak malalagay rin siya sa matinding kahihiyan.
Ang inaalala nila ay baka maapektuhan nang husto ang emosyonal na kalagayan ng bata. “Kawawa ang bata Kuya Jun kasi nagtatanong din sa nanay niya kung magkakaanak pa ba siya,” sabi ng ating kaanak sa inyong lingkod.
Makailang ulit ko nang sinasabi na sa peryahan ay hindi lang illegal na sugal ang inilalako, kundi front din ito ng prostitusyon at madalas ay may nagtutulak din ng ipinagbabawal na gamot.
Dahil dito, tinatawagan ko ng pansin si Rizal Gov. Rebecca Ynares na please ma’am para na rin sa kaligtasan ng ating mga kabataan, ipasara n’yo po agad ang mga peryahan sa inyong lalawigan.
Unahin n’yo sa Tanay, Rizal na pinamamahalaan ng isang “alyas ‘Elvie.” Katabi lang po ito ng simbahan na halos pinaliligiran ng mga demonyo.
Gayundin sa bayan ng Morong, malapit sa sementeryo. Pati sa Angono at sa Mahabang Parang Taytay sa JP Rizal patungong lumang palengke.
Ang perya sa Antipolo Marcos Highway sa Blue Mountain na pag aari ng isang “alyas Bonying.” Malapit lang ito sa PNP headquarters, gayundin sa Gate 2 ng Cogeo sa Olalia Drive na ang perya ay pag-aari ng isang Jess Kumag.
Sa San Mateo Highway, Montalaban, Rizal na pinamamahalaan ng isang “Alyas Cris” at ang may-ari ay may Alyas Boy Life.
Ang perya sa Tianggian na malapit sa munisipyo ng Taytay.
Ang Police Provincial Office po ng Rizal PNP ay si Col. Dominic Baccay at naniniwala tayong kikilos sila nang husto ni Gov. Ynares dahil napaparatangan na ngayong ‘perya infested area’ na ang Rizal province.
Samantala, para rin po sa kaalaman ni Gen. Jose Melencio Nartatez, regional director ng Police Regional Office (PRO) 4a, hindi lang sa Rizal province may talamak na perya kundi maryoon din po sa
Cavite.
Ang nasabing iligal na color game at dropball ay matatagpuan sa Mary Cris Complex HOA Phase 3 Pasong Camatchile Gen. Trias Cavite.
Mayroon na rin sa Sto. Nino, Meycauayan, Bulacan na pagmamay-ari ni Ely at Nesty. Ang poste naman dito ay si Popoy.
At para makumpleto ang rekado, pati sa Pasay ay may perya na rin sa Villamor na katabi naman ng barangay at pagmamay-ari ni Mike at ang poste naman ay si Jonjon.
Di ba ang saya?
May sugalan na, may droga pa, may prostitusyon na at may libre pang STD!
Mga kinamote!
***
Para sa anumang reaksyon o komento at suhestiyon, maaari kayong tumawag sa 09157412674