
Ni NOEL ABUEL
“Maraming-maraming salamat po Senador Bong at pinasaya n’yo ang aming Pasko”
Ito ang sabay-sabay na pahayag ng mga residente patungkol kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. na muling namahagi ng tulong bilang bahagi ng kaniyang regular na BAYANIHAN RELIEF operations sa La Vista Subd., Barangay Buhay na Sapa, San Juan, Batangas.
Kasama ni Revilla si Mayor Beebong Salud at ang kaniyang mga tauhan na nagtungo mismo sa evacuation center kung saan hanggang sa kasalukuyan ay doon pa rin naninirahan ang mga residenteng nawalan ng tahanan dahil sa nagdaang kalamidad.
Muli ay namahagi si Revilla ng maraming Family Food Packs at relief packs sa mga residente na hindi magkamayaw sa tuwa dahil sa marami sa kanilang ang sumasala na sa pagkain at umaasa na lamang sa tulong ng lokal na pamahalaan.
“Marami ang natutuwa sa ating pagdating ngunit hindi talaga maiiwasan na dala ng kanilang sitwasyon ay aabutin sila ng habag sa sarili kaya may umiiyak sa ating pagdating at tanging mahigpit na yakap lamang ay nakakaramdam na sila ng hinahon,” saad ni Revilla.
Magkagayun man ay sinabi ni Revilla sa mga nasalanta na huwag mawawalan ng pag-asa dahil hindi naman ibibigay ng Panginoon ang pagsubok kung hindi kaya ng bawat isa.