Mas mataas na allowance sa bgy. officials isinulong sa Kamara

Rep. Yedda Marie Romualdez at Rep. Jude Acidre

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ng ilang kongresista ang pagbibigay ng mas mataas na allowance at honoraria para sa mga opisyal ng barangay.

Sa House Bill (HB) No. 2349 na inihain nina Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre, layon nito na dagdagan ang allowance ng mga opisyal ng barangay, bigyan ng honoraria at iba pang benepisyo ang mga manggagawa sa barangay, at bigyan ang mga barangay tanod na nagsilbi nang hindi bababa sa isang taon ng naturang kabayaran at benepisyo

Paliwanag ng mga ito dapat unahin ang pagtaas ng allowance ng mga barangay officials at ang pagbibigay ng honoraria at benepisyo sa mga barangay workers at tanod para maging propesyonal ang recruitment sa mga local government units (LGUs).

“Under Republic Act No. 7160, otherwise known as the Local Government Code of 1991, as amended, barangay officials are compensated in the form of honorarium at an amount not less than P1,000 per month for the Punong Barangay and P600 per month for each Sangguniang Barangay member, Barangay Treasurer and Barangay Secretary,” sabi nina Romualdez at Acidre.

“As the Act was enacted decades ago, such compensations are no longer in accordance with the regional minimum wage level. Further, excluded therein are barangay tanods despite the services they render to their constituents,” dagdag pa nito.

“This bill seeks to provide a compensation package commensurate with the work and services the barangay officials extend to their constituents and to encourage and professionalize the recruitment of barangay officials,” anila.

Nilalayon din ng HB 2349 na amyendahan ang Section 393 ng Local Government Code sa pamamagitan ng pagtaas ng minimum honoraria o allowance na maaaring ibigay sa mga opisyal ng barangay, kabilang ang mga barangay tanod at miyembro ng Lupong Tagapamayapa.

Sa panukala, ang dagdag na minimum allowance ng Punong Barangay mula P1,000 ay gagawing P3,500 kada buwan.

Iminungkahi rin ng panukalang batas na ang P600 allowance ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay, barangay treasurer, secretary at tanod ay itaas sa P2,500 kada buwan

Sa kasalukuyan ay nakahain na sa House committee on local government ang HB 2349 at nakatakdang isalang sa komite.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s