Bayanihan relief operations ni Sen. Revilla tuluy-tuloy

Ni NOEL ABUEL

Patuloy ang pamamahagi ng tulong ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa mga naging biktima ng nakaraang kalamidad.

“Salamat po Sen. Bong, magpa-Pasko, malaking tulong ito”

Ito ang pahayag ng ilang residente habang iniaabot ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang tulong para sa mga biktima ng kalamidad na bahagi ng regular nitong BAYANIHAN RELIEF operations na isinagawa sa tennis court ng Santa Rosa, Laguna, Sabado ng umaga.

Sinamahan si Revilla ni Mayor Arlene Arcillas, Vice Mayor Arnold Arcillas at ang kanilang Chief of Police na si Lt. Col. Paul Sabulao na tumulong din sa pamamahagi ng napakaraming Family Food Packs at relief packs na ikinatuwa ng mga pamilya dahil kahit paano ay naalala umano sila sa panahon ng kanilang pangangailangan.

“Huwag pa tayong panghihinaan ng loob, dahil kahit dumating sa ating ang ganitong pagsubok ay hindi ko naman kayo kinakalimutan, dahil hindi ako magsasawang tumulong sa inyo kahit kailan at hindi ito ibibigay ng Panginoon kung hindi natin kakayanin,” pahayag ni Revilla.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s