Pagpasa sa Magna Carta for Informal Workers tiniyak

Rep. Fidel Nograles

Ni NOEL ABUEL

Sinisiguro ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na gagawin ng House Committee on Labor and Employment na kanyang pinamumunuan ang lahat para makabuo at magpasa ng panukalang batas na magpoprotekta at magtataguyod sa kapakanan ng hindi bababa sa 17 milyong manggagawang Pilipino.

“We see the need for the Magna Carta for informal workers, who are growing in number as a result of the pandemic. Panahon na para paigtingin ang proteksyon at isulong ang mga karapatan nila, at makakaasa po ang ating mga kababayan na tututukan ng komite ang pagpasa nito,” sabi ni Nograles.

Nabatid na sinimulan na ng labor committee noong nakaraang linggo ang mga deliberasyon nito sa 11 magkahiwalay na panukalang batas na nagmumungkahi ng Magna Carta of Workers in the Informal Economy (Macwie).

Sinasaklaw ng Macwie ang iba’t ibang isyu tulad ng pangunahing karapatan sa paggawa, wastong kondisyon at benepisyo sa pagtatrabaho, pag-access sa mga mapagkukunan tulad ng mga pasilidad ng kredito at mga pagsasanay sa pagpapalaki ng kapasidad, at disenteng sahod, bukod sa iba pa.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), 36.2 porsiyento ng kabuuang 47 milyong Pilipinong may trabaho, o 17 milyong manggagawa, ay mula sa informal sector.

Kabilang dito ang mga self-employed na manggagawa tulad ng mga ambulant vendor, small transport worker, construction worker, walang bayad na miyembro ng pamilya na tumutulong sa mga micro business ng kanilang pamilya, at mga magsasaka.

Ikinalungkot ni Nograles na dahil wala pa ring batas na kumikilala sa kanilang mga karapatan, maraming mga informal workers ang nabibiktima ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

“Dahil wala silang mga pormal na dokumento para patunayan na sila’y empleyado, walang mga benepisyong natatanggap ang mga informal workers, at hirap rin silang hingin ang tulong ng pamahalaan kung sila’y naaabuso,” sabi nito.

“Kung mapapasa natin ang Magna Carta, masasaklaw ang mga informal workers sa mga social protection programs at mabibigyan ng mga benepisyo kagaya ng maternity benefits. Ginagarantiya rin nito na hindi basta-basta mapapalayas ang mga informal workers sa mga lugar na pinagtatrabahuhan nila,” ani Nograles.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s