Regulasyon ng ‘habal-habal’ at motorcycle ride-sharing iginiit

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ng ilang kongresista na i-regulate ang operasyon ng motorcycle ride-sharing upang matiyak na tanging mga lehitimo lamang ang gumagamit nito.

Ito ang iginiit nina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap base sa inihain ng mga itong House Bill No. 4470 o mas kilalang Motorcycles-for-Hire Act.

“‘Habal-habal’ or motorcycle ride-sharing has been regarded as one of the most popular modes of informal transportation. However, despite its practicality and convenience, a large number of motorcycles-for-hire are not registered, making their services illegal due to lack of insurance coverage and ungoverned by laws on common carriers,” paliwanag ni Duterte.

Sa HB No. 4470 layon nitong i-regulate ang operasyon ng motorcycles-for-hire, kabilang ang “habal-habal,” para gawing mas ligtas at napanatiling opsyon ang nasabing paraan ng transportasyon para sa commuting public at iba pang gumagamit ng kalsada.

Ipinaliwanag ni Duterte na ang mga kasalukuyanginobasyon sa teknolohiya ay nagbukas ng pagkakataon para sa mga alternatibong paraan ng pampublikong transportasyon, tulad ng motorcycles-for-hire, na umunlad bilang isang popular at madaling ma-access na paraan ng transportasyon, lalo na sa napakasikip na mga pampublikong kalsada, kabilang ang mga hindi sementadong kalsada sa kanayunan at komunidad.

Samantala, sinabi ni Yap na para ma-maximize ang kanilang operasyon, ang motorcycles-for-hire ay papayagang mag-operate gamit ang digital booking platforms o itatalaga ng kanilang sariling mga terminal.

“Given the perils of ‘habal-habal’, the government is mandated to ensure that transportation network companies (TNC) and on-line e-commerce platform providers (OEPP) shall exercise due diligence and reasonable care in accrediting motorcycle-for-hire operators and drivers that shall operate under their platforms,” ani Yap.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang Land Transportation Office (LTO) ang magiging responsable sa pagpapahayag ng mga kinakailangang alituntunin na nagtatakda ng mga kinakailangan para sa pag-iisyu ng isang professional driver’s license at mga praktikal na eksaminasyon para sa pagpapatakbo ng isang motorcycle-for-hire.

“Regulatory agencies, including the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), would be coordinating their efforts to make “habal-habal” a safe, secure, sufficient and economical alternative mode of public transportation,” ayon pa kay Duterte.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s