Walang tsunami sa Pilipinas – Phivolcs

NI MJ SULLIVAN
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko na magkaroon ng tsunami sa bansa kasunod ng malakas na lindol sa Samoa Island Region sa South Pacific Region.
Sa inilabas na tsunami alert and advisory ng Phivolcs, sinabi nitong walang dapat na ipangamba ang taumbayan partikular ang mga nakatira malapit sa dalampasigan na magkaroon ng pagkaroon ng malalaking alon o tsunami dahil sa magnitude 6.9 na lindol sa nasabing lugar.
“No destructive threat exists based on available data. This is for information purposes only ang there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa Phivolcs.
Nabatid na dakong alas-3:24 ng madaling-araw, (oras sa Pilipinas) nang maitala ang magnitude 6.9 na lindol na may lalim na 033 km. at naramdaman sa isla ng Tonga.
Samantala, dakong ala-1:51 ng madaling-araw rin nang maitala ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Natuloy ang sentro ng lindol sa layong 004 km hilagang kanluran ng bayan ng San Francisco, Surigao Del Norte at may lalim na 031km at tectonic ang origin.
Naitala sa intrumental intensities ang intensity III sa Surigao City, Surigao Del Norte at intensity I naman sa Abuyog, Leyte.
