
Ni NOEL ABUEL
Ipinagtanggol ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries vice chairperson at Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr., ang Maharlika Investment Fund (MIF), at nagsabing dapat mangarap ng malaki ang Pilipinas na maging isang matatag na umuusbong na bansa.
“For the Philippines to become a high income and fully developed economy, we must dream of things that have yet to be and not just see things as they are now. The proposed Maharlika Investment Fund allows us to dream of a brighter future for our country,” sa inilabas na pahayag ni Haresco.
Ito ay bilang pagsuporta sa House Bill 6398 o ang “Maharlika Investment Fund Bill” na naglalayong magtatag ng isang sovereign wealth fund (SWF) na gagamitin para mamuhunan sa tunay at financial asset upang patatagin ang pambansang badyet, lumikha ng mas maraming ipon para sa mga mamamayan, at isulong ang pag-unlad ng ekonomiya.
“The creation of the Maharlika fund will benefit us now more than ever. The fund can help stabilize our country in light of global volatility and economic uncertainty. It will also allow us to maximize the long-term developmental impact of our investments – bolstering strategic sectors such as renewable energy, mining, tourism, transportation, and infrastructure,” ayon pa dito.
Ang pondo ng sovereign wealth ay naging isang mas epektibong gamit ng mga bansa tulad ng China, Middle East, at maging ang ating mga kapitbahay sa ASEAN kabilang ang Singapore, Indonesia, Vietnam, at Brunei.
“The Maharlika Fund authored by Speaker Martin Romualdez and Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos can easily double the growth of the Philippine economy, spurring a strong trajectory for the country to firmly be a robust emerging country with a strong asset spread over risk-free government equities, indexed funds, and alternative investments,” paliwanag pa ni Haresco.
Binanggit din ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries vice chair na ang paglikha ng MIF ay isang pagkakataon upang akitin ang “bata, pinakamagaling, pinakamatalino, at pinakamahuhusay na mga banker at tagapamahala ng pondo na may internasyonal at domestic na mga karanasan at mga track record.
Tiniyak din ng beteranong economist-legislator na ang MIF ay wala sa mga libro ng National Income Accounting at sa gayon ay hindi hahantong sa pagtaas ng mahahalagang limitasyon sa debt-to-equity ratio na itinakda ng International Monetary Fund (IMF) at dahil sa mga institusyonal na pananggalang na inilatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi pa ni Haresco na ang iminungkahing MIF ay may malakas na potensyal na magbunga ng Php 2.1 trilyong na pondo sa ekonomiya.
“As we dream big, we reassure the people of the Fund’s sound and competent management. The current proposal provides the President of the Philippines as well as the Secretary of Finance with key roles to play in the Maharlika Investment Corporation’s Board of Directors. This signals a strong commitment and accountability from none other than the highest officials of the land that the Fund will be utilized to the country’s developmental aspirations,” giit pa ni Haresco.