Anomalya sa P1.1B DICT-MMDA transfer nabunyag sa Kamara — solon

Rep. Paul Daza

Ni NOEL ABUEL

Mas maraming hinala at tanong ang naungkat ng mga mambabatas hinggil sa umano’y maanomalyang P1.1 bilyong inter-agency fund transfer sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ibinasurang mga legal na opinyon, minadaling paglilipat ng pondo, maanomalyang proseso ng bidding, at isang kaso ng posibleng technical malversation ang na-flag sa joint meeting ng House Committee on Good Governance and Public Accountability at sa Information and Communications Technology.

Sa kanyang pambungad na mensahe, ibinunyag ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza ang kanyang mga natuklasan kung paano lumabas ang pag-aalinlangan ng sariling legal affairs office ng DICT sa kasunduan nito sa MMDA.

Binanggit ni Daza ang legal na opinyon mula sa Office of Assistant Secretary to Legal Affairs (OASLA) ng DICT ay nagsasaad na ang kasunduan ay ultra vires, o isang pagkilos na lampas sa pinapayagan ng batas, ngunit maliwanag na isinantabi.

Napansin din aniya nito kung gaano kabilis ang paglabas ng mga tseke para sa paglilipat ng pondo, sa maikling isang araw at pagkatapos malagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga ahensya.

“Let me note that if you look at the haste of the way this was done, it’s not just questionable, in my personal opinion, illegal,” sabi ni Daza.

Ilang miyembro ng nasabing komite ang nagsabing posibleng pagkukulang sa legalidad ng fund transfer at proseso ng bidding ng MMDA para sa “NCR Fiber Optic Backbone Project” na nakakita lamang ng nag-iisang bidder.

“I’m truly grateful to my colleagues and fellow lawmakers that showed up today at our preliminary meeting, led by our chairpersons Cong. Toby Tiangco and Cong. Rida Robes,” ani Daza.

“The only outcome we’re hoping for is a concrete resolution on this issue, so we may finally successfully execute the long-overdue Free Public Wi-Fi Program, and the House’s mandate on the sound management of every taxpayer’s money,” dagdag nito.

Una nang inilantad ni Daza ang isyu sa multi-billion-peso fund downloads mula sa DICT sa ilang local government units at ahensya kabilang ang MMDA ilang linggo na ang nakararaan sa isa sa kanyang privilege speeches.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s