Pagbibigay ng 13th month pay sa JO at contractual workers sa gobyerno isinulong sa Kamara

Rep. Camille Villar

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang pag-apruba sa panukalang bigyan ng 13th month pay ang mga job order at mga contractual employees sa pamahalaan.

Sa House Bill 6541 o ang “13th Month Pay Law for Contractual and Job Order Personnel“ dapat na makatanggap ng benepisyo ang libu-libong job order at contractual personnel na nagtatrabaho sa pamahalaan dahil na rin sa inflation na umabot sa 8 porsiyento.

“These temporary hires had been languishing in government agencies and state-owned corporations for several years, some even decades, and their work and competency could be akin with permanent hires,” ayon sa mambabatas na nagsabing ang trabaho ng mga JO at contractual ay ginagawa rin ng mga regular employees.

“Despite their commitment and service to the public, they are not given full entitlements and are not entitled to legally mandated bonuses as prescribed by law especially accorded to regular state workers, such as those given during the middle and end of the year,” dagdag pa ni Villar.

Sa ilalim ng panukala, makakatanggap ng 13th month pay ang mga nakapagbigay ng minimum na tatlong buwang serbisyo sa gobyerno bago ang Hulyo 1 ng kasalukuyang taon ng pananalapi, bago ang pagkakaloob ng 13th month pay.

Gayundin, ang pinakamababang halaga ng 13th month pay ay hindi bababa sa kalahati ng buwanang suweldo na natatanggap ng empleyado.

Binanggit din ni Villar ang kahalagahan ng mga manggagawang ito sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa publiko, at ang pagbibigay sa mga ito ng kinakailangang tulong ay makakatulong sa kanila na makayanan ang pagtataas ng mga presyo.

Sa datos, sinabi ni Villar na 493,900 ang itinalaga bilang job order personnel at 148,100 ang natanggap sa contractual basis.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s