Tangkang pag-smuggle sa apat na Arabs naharang sa NAIA –BI

Ni NERIO AGUAS

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na Arab nationals na nagtangkang umalis ng Pilipinas patungo sa United Kingdom.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang apat na indibiduwal na kinabibilangan ng tatlong bata at ina ng mga ito ay naharang sa NAIA Terminal 3 noong Nobyembre 23 na nagtangkang sumakay sa Cathay Pacific flight patungong Hong Kong bago bumiyahe patungo sa UK.

Sinabi ni Tansingco na nagpakita ang mga dayuhan ng Seychelles passports sa mga airline at immigration officer na nagduda sa nasabing travel documents.

Sa pag-iinspeksyon ng BI’s forensic documents laboratory ay nakumpirma na ang ipinakitang pasaporte ng mga dayuhan ay pawang counterfeit.

“They are now undergoing investigation by our legal division after which they will be sent back for using spurious immigration documents,” sabi ni Tansingco.

Paliwanag ni Tansingco na maliwanag na ang naudlot na human trafficking ay gawa ng isang international syndicate na nagtatangkang gamitin ang Manila bilang transit o jump-off point para sa mga biktima nito.

Sinabi ni Atty. Carlos Capulong, BI port operations chief, na ang mga biktima ay dumating sa bansa noong Nobyembre 6, at nanatili ng dalawang linggo bago nag-book ng ng biyahe.

“Until now we are still trying to ascertain their true nationality as there is difficulty getting information from them,” ayon kay Capulong.

Nabatid na nakuha rin ng mga tauhan ng BI mula sa mga pasahero ang UK national identity card na napag-alamang peke rin.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s