SSS at GSIS tinanggal na sa MWF

Rep. Stella Quimbo

Ni NOEL ABUEL

Dahil sa mga agam-agam ng ilang sektor ay nagdesisyon ang mga economic managers at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pag-aralan muli ang Maharlika Fund bill.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, matapos ang pakikipagpulong ng liderato ng Kamara sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez at economic managers ay nagdesisyon ang mga ito na amiyendahan ang MWF.

“This morning, the House leaders led by Speaker Martin Romualdez met with the economic managers to reassess the Maharlika Fund bill as drafted by the economic managers,” sabi ni Quimbo.

“Based on our assessment of the proposed changes put forward by the economic team, we are amending the bill to change the fund sources, removing GSIS and SSS as fund contributors and instead utilize profits of the Bangko Sentral ng Pilipinas,” aniya.

Sinabi ng kongresista na isasagawa ng House Committee on Appropriations ang diskusyon sa darating na Biyernes base na rin sa utos ni Romualdez.

“Maganda na nagsagawa tayo ng series of consultations ukol sa panukala; na-validate ang mga agam-agam ng ating mga kababayan, lalo na ang masisipag na manggagawang Pilipino, na buwan-buwang naghuhulog ng GSIS at SSS contributions,” sabi ni Quimbo.

“At the end of the day, the purpose of Maharlika Fund is to become an investment vehicle where existing surplus capital of the government can grow and reap benefits. Anuman ang sobrang kapital ng gobyerno ay mabuting ipuhunan sa mga proyekto na may high returns. Sa taumbayan din ang balik ng kita ng investments ng Maharlika na mararamdaman sa mas mataas na budget para sa mga programa ng gobyerno na tutugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino,” sabi nito.

“As we tackle the bill, we will put in place safety nets that will be the success of this project. Dapat masiguro na ang batas na maglilikha ng Maharlika Fund ay mayroong katapat na probisyon na magtatakda sa pangangalaga ng pondo ng bayan,” pagtatapos ni Quimbo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s