‘Ghost Project’ ng MMDA uungkatin ng Kamara–solon

Rep. Paul Daza

Ni NOEL ABUEL

Mas lalong nalalagay sa ‘hot seat’ ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa usapin ng umano’y maanomalyang fund transfer na nagkakahalaga ng P1.1bilyon.

Nabatid na nagdesisyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na ibigay sa House
Committee on Good Government and Public Accountability, at ng Committee on Information and Communication Technology.

Si Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar First District Rep. Paul Daza ang unang nagbunyag ng nasabing usapin.

Nagkaisa sina Daza at committee co-chairs, San Jose Del Monte City Lone District Rep. Rida Robes at Novotas Lone District Rep. Toby Tiangco ang diskusyon na dinaluhan ng Commission on Audit (COA) at ng Department of Budget and Management (DBM).

Kasabay nito, ang sariling legal affairs office ng DICT, ang COA, at ang DBM ang nagbunyag o apses at kahit na ang teknical malversation ay nakatuon sa pag-download ng mga pondo mula sa DICT atvMMDA para sa NCR Fiber Optic Backbone Project.

Iginiit din ni Daza, sa isang panayam kamakailan sa mamamahayag at dating Bise Presidente Noli De Castro, na hindi bababa sa tatlong whistleblowers ang lumapit sa kanya tungkol sa posibilidad ng isang mas malala pang senaryo.

“Hindi na maganda ‘yung mga sinasabi. Hindi lang ilegal ‘yung pag-transfer. ‘Yung project daw mismo, posible na hindi talaga project,” pagbubunyag pa ni Daza na nagsabi ring ang NCR Backbone ay isang ghost project.

“Iyan ang tatanuning ko sa next hearing,” sabi ni Daza na gagawin ang pagdinig ng nasabing mga komite sa Disyembre 13, 2022.

Iginiit pa ni Daza ang labis na pagkadismaya sa DICT sa palpak na implementasyon ng Free Wi-Fi for All Project.

“Dapat dito taong bayan na ang dapat magalit. “Pinondohan ng Kongreso ng P12 milyon for the last four years… Hanggang ngayon, wala!” paliwanag pa ng kongresista.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s