Mindanao niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Oriental kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ganap na alas- 4:01 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 5.6 na lindol.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 051 km timog silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim itong 061 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity IV sa Governor Generoso, Davao Oriental; Bansalan, Davao del Sur; Malapatan at Malungon, Sarangani.

Habang intensity III sa lungsod ng Davao; sa lungsod ng Mati, Davao Oriental; Alabel, Glan, at Kiamba, Sarangani; sa lungsod ng Koronadal, Polomolok, Tampakan, at Tupi, South Cotabato; at sa lungsod ng General Santos.

Samantala, intensity II sa lungsod ng Kidapawan, Arakan, M’lang, Makilala, and Pikit, Cotabato; Maasim, Sarangani; Surallah, South Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat.

Naramdaman din ang intensity IV sa Don Marcelino, Davao Occidental; sa lungsod ng Kidapawan, Cotabato; Malapatan, Sarangani at intensity III sa Nabunturan, Davao de Oro; sa lungsod ng Glan, Kiamba, at Maasim, Sarangani; sa lungsod ng Koronadal, Polomolok, Tampakan, at Tupi, South Cotabato; sa lungsod ng General Santos.

Intensity II naman sa Maitum, Sarangani; T’Boli, South Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat at Intensity I sa Kalilangan, Bukidnon; Norala, Santo Niño, Surallah, at Tantangan, South Cotabato.

Wala naman naitalang nasirang kalsada, gusali at sa iba pang imprastraktura sa nasabing mga lalawigan.

Nag-abiso rin ang Phivolcs sa nasabing lalawigan na asahan ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s